Moms and dads, anu-ano ba ang mabubuting asal na dapat ituro natin sa ating mga anak?

89 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang unang nag-pop sa isip ko is yung value ng pagiging fair. Yung dapat wala syang aapakang tao sa mga actions and decisions na gagawin nya.

Lagi ko itinuturo sa mga anak ko ang maging magalang at mapagmahal..laging magpasalamat sa Diyos at maging masunurin sa mga magulang..

Ituro natin sa ating mga anak ang pagiging mapagmahal, magalang sa nakakatanda, masunurin, at may pananampalataya sa Diyos.

laging may po kahit na kakausapin ko sya..HAHAHA pero 3months palang sya.. gusto ko kase habang lumalaki sya laging may po at opo.

Pagsamba sa Dios,pàgmamahal at respeto sa pamilya at kapwa at ipakita mo sa kanila kung paano the rest of the values will follow

Paggamit ng po at opo lalo kapag nakikipag usap sa mas nakakatanda sa kanya. Pagmamano sa lolo at lola bilang tanda ng paggalang.

Palagay ko importante na matutunan ng mga bata na pantay pantay lang ang tao at dapat hindi mag-alangan pag kailangan tumulong :)

pagiging magalang sa matanda at mg respeto sa nkakatanda sa kanila. karalangan natin ng mga magulang kng anak natin ay magalang.

I think we should teach our kids respect, empathy and humility because those are the values that I see less nowadays.

Respeto at huwag matakot mag-voice out ng saloobin kung nasa tama naman. Matuto palaging magdasal, hindi lang 'pag may biyaya.