89 Replies
una syempre tinuturo namin ay magkaron ng takot sa Diyos at maipakilala namin sa kanya ng maaga kung sino ba si Jesus. Maging magalang at may respeto, hindi lang sa matatanda ngunit sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. ang paggamit ng "po at opo" at pagmamano sa nakakatanda. maging bukas palad at handang tumulong lalo na sa mga nangangailangan, hangga't may maibibigay sya, materyal man o serbisyo ay wag syang magdalawang isip tumulong. masarap sa pakiramdam ang nakakarinig ng "Thank you/ Salamat". maging masipag at madiskarte sa buhay, dahil hindi lahat ng bagay ay kayang ibigay at gawin ng magulang. mas maigi din na kahit bata pa ay namulat na sa mga gawain para hindi sila mahirapan pagdating ng araw na sila ay kailangan ng magsarili. pagdadasal, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap, kaligtasan at sa buong araw na lumipas, maganda man ang nangyari sa araw mo o hindi, dapat mo itong ipagpasalamat.. at wag kalilimutang mahsabi ng "SALAMAT" sa mga taong nakatulong sayo, maliit man o malaki, binayaran mo man o hindi, magpasalamat pa din.. pahingi ng tawad o pagpapakumbaba, kahit hindi ikaw ang nagkamali mas mabuting ikaw na ang unang humingi ng dispensa para sa ikagagaan ng loob mo at ng hindi na lumaki pa ang alitan ..
Tinuro namin sa anak ko maging good sya palagi para ma happy si GOD kasi pag bad sya d NIYA bibigyan ng work si papa nya.,wala kami pambili ng pgkain😊sya nag li lead ng prayer bago kami kumain., dapat d sya matakot mag salita, sabihin nya ano nasa isip nya basta sabihin nya lng nga may pag galang pa rin.,tnuruan din namin syang maging kontento sa kung anong meron sya.,dahil maraming bata ang wala kahit pgkain.,sabi ko sa kanya pag may ibinigay sa kanya kahit gaano kaliit o kahit d nya gusto mgpa salamat pa rin sya sa ngbigay.,kaya natutuwa hubby ko sa kanya kasi khit silang dalawa lng mgkasama minsan, nag ti thank u papa parin anak ko.,ibig sabihin daw nun naiintindihan nya mag tnuro ko sa kanya kasi kahit d utusan ngpa pasalamat sya.,tuwing napapa galitan ko sya ini xplain ko sa kanya bakit ako nagalit.,tapos tatawagin ko sya "mag sorry kana kay mama" tapos yayakapin ko na sya at iiyak sya ulit😊 Namiss ko tuloy anak ko.,2nd DEATH anniversary nya pala ngaun mga sis.,at bday ko nman bukas😔
Yung anak po namin unexpected na nakakuha ng most behave, most obedientat at best in values sa school (his only 4 years old) . For me, bago mo xa turuan dapat din na nakikita nya sayo sa inyo na parents nya, maging model ka muna sa anak mo kasi nasusunod/sinusunod nya po yan. Kapag may mali sya, kinakausap ko at ineexplain pero pag sumobra minsan nadidisiplina din. Yung samin ng anak ko kasi close ang bond namin pero di nya nakakalimutan na kami pa rin parents nya na dapat nyang e respeto, naapply nya po kasi yan paglabas ng tahanan namin.
We teach our little one to respect elders and other people as well, To be unselfish even in little things, and to give thanks to God for all the blessings he's receiving. As his parents, we do not only tell him to do these things, we let him understand and learn by doing these ourselves. Children do what they see from adults. So we became conscious in our actions and words as soon as we noticed our little one copying simple movements and tricks that we teach him.
Ang pinakagusto kong ituro sa mga anak ko ay ang pagmamahal sa Diyos, pamilya at kapwa.. At pagpapakita ng respeto sa matatanda like pagmamano, pagsabi ng "po" at "opo" at iba pang magagalang na salita tulad ng "please," "thank you," "sorry," "magandang umaga," etc. At respeto rin sa kapwa..I always tell them to follow the golden rule: "Do not do unto others what you don't want others to do unto you."
Number one is God-fearing. Ang taong may takot sa Diyos ay hindi gagawa ng isang bagay na hindi katanggap-tanggap sa iba. 😊 Maging magalang sa nakakatanda. Masunurin sa magulang dahil hindi maghahangad ng masama ang magulang sa anak. Matutong makuntento sa anong meron sya, wag mainggit sa iba. 😊
Para sa akin, importante ang ituro na maging magalang, grateful at hindi selfish. May nabasa akong article na maganda tungkol sa mga values na dapat maturuan sa ating mga anak by the time na 5 taong gulang na sila. https://ph.theasianparent.com/values-to-teach-your-child/
Unang una, pagiging marespeto sa nakatatanda at sa kapwa nila. Dapat din ituro sa kanila ang pagiging masinop at pagiging matulungin! Importante din na matuto sila na maging masipag mag-aral at hindi masyado maging materialistic.
Dapat natin ituro sa ating mga anak ang pagkaroon ng respeto sa matatanda, maging mabait at masunuring bata at higit sa lahat ang marunong mgpasalamat sa Panginoong Diyos sa lahat ng biyaya na natatanggap sa araw araw.
Sanayin ang mga bata na laging magsabi ng Po at Opo tuwing nakikipag-usap sa nakatatanda. Sa ganitong paraan natuturuan natin silang gumalang sa iba. Ituro din sa kanila ang pagmamano bilang pagpapakita naman ng respeto.