Money! Money! Money!

Hi moms! Agree ba kayo na dapat may sariling pera si misis? Say hello sa mga payag at bakit. ? Posted: 04/25/20

Money! Money! Money!
201 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

True! kaya ung ibang lalaki din laki ulo lalo pag sila may trabaho kala nila lahat pde nilang gawin kase sila nag poprovide at ikaw nasa bahay nag aantay lang sa sahod nya na bubudgetin mu pa.. ako online seller, nagsasama palang kami, pareho kami may pera. para alam nyang wala akong pake kahit ano mangyare kaya ko mabuhay sarili ko at anak ko.. pero swerte naman ako kay hubby, wala syang bisyo, at takot sya saken. πŸ˜‚πŸ˜… bigayan kami noon kung sino may sobra, ngayon asakin ang sahod nya dretcho. d dn nmn ako katuldad ng ibang babae, na pag hawak pera ng asawa kung ano anong luho pinag bibili, more on essentials lang ako, tamang budget pang wants (once a moth lang meron para sa wants) now magkakababy na, d n nmin priority yan :) tpos more on savings kami, kase nag enjoy na kami sa buhay bf gf na kahit ano nabibili namin, kaya d na kami sabik sa bagay bagay. Yun lang anyways, basta mas magandang may pera ang girl, at independent ang girl kasi pag ganun ka and mindset mo, d ka mauunder sa lalaki, sa needs mo na galing lang sa asawa. though responsibility nila un. iba padin pag meron ka den.

Magbasa pa

Agree ako dito.. Para pag nagkakaaway kayo hindi nya maisumbat na sya lahat gumagastos. Pangalawa pag may ginusto kang bilhin hindi mo kelangan manghingi sa kanya. May mga lalaki kasi na kontra kapag may sinabi ka na gusto mo bilhin. Nung after valentines day nagsabi ako sa asawa ko na gusto ko sana kumain ng authentic na ramen at bumili ng mango bravo sa contis dahil nagcrave ako. Pinagsabihan ako na wag na ang mahal at magastos daw. Maluho daw ako masyado eh wala na nga kong work ang gastos ko raw (nagresign kasi ako dahil sensitive pagbubuntis ko). Sobrang nakakaiyak. Kaya sinabi ko sa sarili ko pilitin ko makarecover agad para makapagwork ulit at hinding hindi ako hihingi sa knya. Isa pa, naisip ko rin if ever ang isang lalaki ay naging toxic na ng ugali kung may sariling pera ang babae di sya matatakot humiwalay kasi kaya nya mabuhay at buhayin ang bata nang mag isa. For emergency cases din na na hindi mo na nakayanan ugali ng jowa mo.

Magbasa pa

Yes! Kaya walang palag asawa ko. Nandyan o wala sya kaya ko kasi may sarili akong ipon. Hindi nya ako mapagmalakihan o hamak hamakin. Yan din kasi turo sakin ng magulang ko dapat tayong girls may work at sariling pera para dintayo dependent sa asawa natin dun kasi magkakaron sila ng takot. Yung asawa ko hindi makapag loko malaman ko lang sa kulungan bagsak nya kasi kaya ko buhayin magisa yung bata. Dapat ganun para hindi sila kala mo kung sino na mamatay ka kapag wala sila sa buhay mo. Hindi naman lahat ng lalake ganun pero mabuti na yung sigurado.

Magbasa pa

More than the galit part, it would give everyone peace of mind knowing na dalawa ang source of income. In this age and time, mas mabuti if nagtatrabaho din ang babae dahil kung meron man mangyari sa lalaki (eg., nagkasakit, namatay, nawalan ng work, etc.) meron parin bubuhay sa pamilya. Worst case, kung maghihiwalay din for whatever reason, hindi kawawa ang mga anak. May pride, self-esteem at confidence ang babae dahil alam nya hindi nya kelangan umasa sa ibang tao para mabuhay.

Magbasa pa
VIP Member

Yes super agree..eto din pinaka one of my problem ngaun eh..gusto ko sanang magkaron ng income kahit nasa bahay lang e..iba kc talaga ung sama ng loob na nararamdaman mo kapag nanliliit ka sa srile mo gawa nga ng umaasa kalang sa kita ng hubby mo😒,tapos nakatira kapa sakanila sa byenan mo,yung feeling mo sa srile mo na Wla kang kwenta sa paningen nila ..1πŸ˜• hope someone can help me bout dis..mabgyan man lang ako ng idea pano magkaron ng sriling income.

Magbasa pa

Yes I Agree ! Ako never ko pinakielaman pera ng mister ko kahit pa ngayon na may anak na kme . Kasi una sa lahat ayoko ng mag aaway kme dahil sa pera , Pangalawa hinahayaan ko sya bilin yung gusto nya as long as inuuna nya needs ng baby nmen . Pangatlo ayoko sa lahat yung umaasa sa lalaki kse ayoko masumbatan , at higit sa lahat if ever klangan ng family ko ng pera di ako manghhingi skanya kse meron akong sarili 😊

Magbasa pa
5y ago

before sis nagwwork ako tpos online selling pero smula mabuntis ako up to now focus na ako kay baby .

VIP Member

Yes para my freedom to buy ka ng kahit anong gusto mo.. na wlang tanong2 ung asawa mo kung para saan at bkit mo binili.. but if not be considerate and learn to appreciate kung ano kaya ibgay ng asawa mo, ipagpray mo na dumami pa.. πŸ™πŸ™πŸ™ save for the future.. β€πŸ™ para pag my emergency meron ka mhuhugot.. wag lagi pgbgyan ang luho ng katawan.. practically speaking.. πŸ‘Œ

Magbasa pa

Super agree momsh. Nakakahiya naman kung lagi tayo hingi ng hingi sa partner natin. Okay na naman siguro yun kung sa mga importanteng bagay din naman naabot yung hinihingi sa kanila pero hanggat maari at kung meron ka naman mag kusa ka nalang para din naman hindi mahirapan si partner and hindi din kayo mahirapan incase of emergency kasi pareho kayong meron :)

Magbasa pa

Yes po.. nung magkawork kami ni partner nasa akin na atm nya nag iipon kami kada sahod nun sa acct ko nilalagay.. ako may hawak ng atm ng savings.. kea may sarili akong pera, ung atm ng sahod nya naun sya na humahawak pero pag may nagagastos ako sa savings pinapalitan nya se obligasyon nya mgbgay panggastos nmin ni baby kahit na may ipon ako

Magbasa pa
VIP Member

Agree! :) Lucky to have a Husband who gaves me allowance every month ever since I stop working because I am pregnant, and he still gave me allowance until now our baby is 13 months old :) He said I should have my own money that I can use to buy anything I want except for the foods πŸ˜‚ he said it’s for my self care ☺️☺️😊😊

Magbasa pa