urinalysis

mommys sino po sa inyo marunong magbasa ng result ng urine test ,may uti or infection po b ? thank you po sa sagot ?

urinalysis
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa PUS CELLS mommy, ang alam ko 0-2 lang ang normal.. may UTI ka po mommy, 10-15 ka po eh.. drink lots of water.. ako nga po nag 30-35 pa.. kaya pinag. antibiotic ako ni OB ng 7 days.. pero syempre dapat may antibiotic na, drinks a lot of water pa din talaga mommy.. buko is effective too!

VIP Member

UTI po, drink more water po. Sana mahigit pa s 3 liters of water. May konting protein din nkita so iwas po tau sa maalat. Kung may history ng diabetes, iwas muna po sa bawal. Sundin nyo po lahat ng sasabihin ng doctor nyo.

May infection po mommy! "MANY" kc ung nakalagay sa bacteria at epithelial cells mo. Bibigyan ka ng OB mo ng antibiotic, need mo yun ubusin para totally mawala infection.

UTI po yan more water and buko try din cranberry juice effective sya nwala UTI ko before 25-30 pus cells ko TAs naging normal na. but to make sure ask your ob po

may uti ka sis. ganyan din ako lagi may uti lumalabas sa mga urinalysis. iwas lang sa softdrinks, kape at maalat na pagkain. more water or fresh buko juice

May u.t.i ka po.. Ako bukod sa niresetang antibiotic ni ob uminom din ako ng sabaw ng buko .. 1 week lang magaling na.. Tas inom ka maraming tubig.

VIP Member

Yes po may uti ka po. Tapos dapat yung protein di po nakalagay na trace po.. reresetahan k nmn ng o.b. mo po para magamot po agad

May uti ka sis.. ingat po sa mga kinakain at iniinom iwas sa mga dpt iwasan na pagkain at inumin, uminom ka po maraming tubig sis

VIP Member

Ang Taas Po ng Pus cells niyo mamshie.. maari po kau ma prone sa UTI. Water therapy po kau, Iwas sa maalat at matatabang pagkain.

Sa pagkakaintindi ko po may UTI ka, pabasa mo din po yan sa OB mo. sya mas makakasagot nyan at alam nya po kung paano yan gagamutin.

5y ago

Pano po malaman pag may uti po?