hospital or lying in?

Mommys saan nyo po pinanganak c baby? Magkano po nagastos nyo kpag ksma philhealth....slamat.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa 1st born ko private hospital. 67k inabot ko normal delivery hindi nagamit philhealth ko for some reason although qualified ako. May 2nd born is sa lying in. 8k lang less na philhealth OB nagpaanak sakin. Ok naman kami ng baby ko kaya lang hindi ako naging ganun ka komportable (as expected naman compare sa services sa private hospital). Now Im pregnant with my 3rd child and Im planning to give birth again in a private hospital. Iba pa din kasi ang hanap mong care and good services lalo na pag bagong panganak. Pero kung talagang tight budget ok lang sa lying in.

Magbasa pa

Ospital ng Muntinlupa po ako nanganak Sis. Mga pinabili lang samin yung mga gamot sa labas. Wala akong binayaran, 8months to 9months nagtagtag na ko asikasuhin lahat ng pwedeng makaless sa bayarin sa Ospi. Care card, Philhealth atsaka Pocketmoney na iuutos sa Guardian natin. Maayos naman yung deliver ko dun, normal at asikaso kami.♡ Di ako nahirapan manganak kase squat at 'di na ko pinapakain ng mister ko at pamilya ko ng matatamis at kanin lalo na sa malalamig. Lalo na papalapit na duedate ko. Hehehe.♡ Tatagan mo lang loob mo. Kaya mo yan sis.♡♡♡

Magbasa pa

Pag panganay mommy, recommend ko po hospital po muna kesa lying inn,. Public hospitals less babayaran,.. ako po sa private, supposedly, 35k kung naka package ako for normal delivery, pero since induced labor ako, then private room (dahil wala na space sa ward), total of 80k ang bill ko for 2 days stay sa hospital,.. minus philhealth, nasa 69k binayaran ko (take note, kasama na po sa binayaran yung pedia nya and new born screening)

Magbasa pa

Hospital 86k saaken 12k ke bebe bawas na philhealth thru emergency c section.sa private napuntahan namin. Pero worth it kasi maasikaso mga nurse.kaya pala ayaw ng dr ko sa public hospital dito saamin kasi medyo di ako aasikasohin.mahal nga lang

Hospital Private(Carmona Area) Inabot ng 100k bill ko(hiwalay pa yung kay baby), emergency CS kasi pero 2days lang ako nagstay. Almost 30k covered ni philhealth sa total bill ko.

TapFluencer

Lying in wala binayaran philhealth accredited 😊 mag inquire inquire na po kau momsh habang mas maaga pa may plano na po kayo at alam nyo na din po ang ibubudget nyo.

Mas okay kpag sa public pero make sure na malinis ang facilities ng hospital at may proper na sanitation ang mismong hospital. 💕 mas mkakaless po kse tayo kpag sa public.

First baby ko..lying in 700 Lang nabayaran ko dahil sa NBS..nya ung sa panganganak ko Wala akong nabayaran kc covered ako nang philhealth nang asawa ko..

hospital private 125k+ dalawa n kame ni bby w/phlhealth,,emergency cs,, but sad to say d nasurvive bby q 3days lng xa s nicu,,nakapoop n xa s loob,,😢

5y ago

Sorry to hear that mommy. 😭

St.jude hospital C's semi private room 55k package .. mas mura po sya pag Ward kaso naubusan po Kasi ako Ng room.less philhealth na po yun