share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nasa sayo din yan . Kung hahayaan mo na ganyan ganyanin ka niyan habang buhay choice mo yan . Bigyan mo dinng halaga sarili mi

Uwi ka na lang sa pamilya mo baka makunan kapa dahil sa ginagwa nya walang mga isip ung ganyang tao dina mag babago yan sis ..

Kung pagpapatuloy mo na mkisama sa knya, baka mapano pa ang baby mo. Kung hahayaan mo lng ang ganyang scenario bka ikaw din.

Sis iwanan mo na yan wag ka magpakamartir pls...iwanan mo na😢😢😢bumalik ka na sa pamilya mo hindi ka mahal nian...

VIP Member

Wala pong respeto ang asawa nyo sa inyo mommy at sa magulang mo. Umalis na po kayo dyan. Makakabangon din po kayo 🙂

Bkit k ngtitiis hiwlyn mo n yn. Wlng kwenta yn. Hihintyin mo p bng mptay k o maapektuhn baby. Girl wg k n mgpkmarter.

Iwan mo na..! Dika ata mahal ang ka live in mo mumsh.! Dipa naman kayo kasal.. Ikaw din ang kawawa pati c baby.

VIP Member

Sis layasan mo na. Baka mapatay ka pa nyan. Wag mo na hintayin na punayag syang makipaghiwalay. As in layasan mo na.

Lapit po kay sa brgy or pulis, kasuhan mo ng VAWC kung sinasaktan ka para sustentuhan ka na lang din nya.

ano pa hinihintay mo ate bago mo iwan yan? kapag may nangyari ng masama sayo? iwan mo na wala ka mapapala diyan