share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Layasan mo na yang ulol mong live in partner. Kaloka. Try mo ring magfile kaso. Mas importante ang baby mo te.

wag mo po sana i-tolerate yung partner mo.. leave as soon as possible. Isipin mo nlang para sa anak mo po

Uwi ka nalang sa pamilya mo. Baka mas maalagaan ka dun. Kawawa kayo ni baby. Bawal ka pa naman mastress..

hindi ko na kayang tapusin para basahin pa, pero better for you and your baby na malayo sa kanya

Hiwalayan nyo nalang po. Maawa po kayo sa sarili nyo at sa magiging baby nyo baka saktan din nya

You can ask for help in womens desk in the police station where you reside.. that is VAWC

VIP Member

SIS WHY STAY? FOR THE BABY? WHAT'S BEST FOR YOU IS WHAT'S BEST FOR YOUR BABY. IWAN MO NA YAN.

Takasan mo teh wag mo ng sabihin sakanya na uuwi ka o aalis kana lalo ka nyan di papaalisin

Hiwalayan mo na yan mamsh. Toxic na kapag ganyan. Nakakatakot baka lumala pa pananakit nya

Takot ka bang iwan yang lalaki mo .. Ang dami png lalaki para magtiis k jan .. Naku namn