share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Replies

VIP Member

Sis. Let go na... Kung kaya ka niya saktan ngayon how much more in the future wag na pakatanga please lang. Kawawa yung anak mo sobra. Tumakas ka na

VIP Member

Umalis ka na sa ganyang sitwasyon, mommy.. Please.. toxic na toxic tapos nanakit pa ha.. wag mag-alala marami kang malalapitan pag mag-anak ka na..

Simple, lumayas kana dyan. Umuwi ka sa inyo at wag kang magpaalam. Yun lang. If you want to save your baby, think of yourself then.

True.. Iwanan MO na Yan sis.. Baka ikamatay nio PA yan.. Baka di lng ganyan gawin sau.. Buti pang umuwi kna sa inyo.. And tell MO sa parent MO..

wg m pairalin yn puso m,,safety first ika nga,,layasan m yn ng walang sabi2x kesa ssabihin m p n iiwanan m xa ,,iicpin lng nya d m sya kya iwan,,

Umalis ka na diyan ate.. baka naman makunan ka kawawa naman baby mo.. baka pag umalis ka marealize niya lahat ng pinagagagawa niya sayo😠

Iwanan mo na may choice ka nman kung wala rin natutulong sayo yan edi iwanan mo na. Wag na mag paka martir kasi kawawa lng kayo ng anak mo te.

Mommy, layasan mo na yang live in mo habang dipa kayo kasal.. Abnormal yan! Gigil nya si ako.. Kakapal ng mga muka ng mga ganyang mga lalaki!

Pblotter mo momsh. Di yan titino kung di mo maaksyunan. Wag kang papayag na sinasaktan ka ang babae nirerespeto yan di gngwang punching bag.

picturan nyo po tapos send nyo sa family mo para ma rescue ka kapag umalis saka mo picturan sana maginf safe pa din baby mo na iyak ako 😭

Trending na Tanong