49 Replies
Di nya responsibility yan,. Pero depende sa situation. As long as nakakaipon kayo at hindi naman kayo napapabayaan, hindi naman siguro issue yun. Iba padin feeling ng nakakatulong ka sa mama mo. Ilang taon nalang ang ilalagi nila dito sa mundo, deserve din nila maging magaan buhay.
Mag usap kayong mag asawa momsh, minsan kasi feeling pa din nila na obligasyon nilang mag abot sa magulang. Pero syempre dapat priority nya pa din kayo. Hingi ka din ng para sa pang ipon nyo 😉 kase para din naman yun sa future ng family nyo, kaya hindi ka selfish.
seaman din po ang asawa ko . at wala akong nakikitang masama kung magbigay ng alotee ang asawa ko sa nanay nya. tandaan natin na kung wala ang nanay nya, wala din ang asawa natin. be thankful,as long as di nman pinpbyaan ni hubby ang family nten.
Ok lang yan bsta meron ka rin na sapat na binibigay nia, ako namn sa situation ko may anak sa ibang babae asawa ko ok lang magbigy xa dun para sa bata pero as his wife khit pregnant palang ako gusto ko malaki na binibigay nia sakin para my ipon ako
Sakin sis kung as long as hindi naman kami napapabayaan okay lang. Wala rin kasi masama mag-give back sa parents lalo na kung mag-isa na lang mommy ng hubby mo. Kausapin mo sya if ever may extra money na pwede nyong maipon ng walang nasasagasaan.
for me momsh wala nman cgurong masama if ever magbigay yung asawa mo sa mother inlaw mo.kasi di nman makapag trabaho yung asawa nyo po kung di pinaghirapan n paaralin ng parents nya..pero cguro m limit lang yung amount kc m pamilya n sya..
Wala masama kung mag abot sa biyenan. Kahit may pamilya na ang anak responsibility pa din ng anak abutan ang magulang kahit may pamilya na ito. Pero kung lagi at halos lahat dun napupunta much better mag usap po kayo mag asawa.
Depende po sa situation kapag ganyan. Tulad po namin dito kami sa mil ko nakatira kada sahod nagbibigay sya sa mama nya kasi nag iisang anak sya at wala na din ang papa nya. Saka mil ko nagbabudget para sa pagkain namin sa bahay.
Hmm..sa tingin ko kung may extra ka lang saka ka magbigay kasi priority nyo na ang family e lalo pag may anak mas lalo kung higit pa sa isa ang anak nyo. Pero kung wala pa naman kayo anak pwede ka pa mag share sa inlaws.
Thank you may katulad din pala ko. Hahaha. Kaway kaway, huhu. Pero mommy tama as long di ka naman pinapabayaan hyaan mo na siya. Tyo pa masama pag nagsalita tyo. Respeto nalang kasi pera niya at magulang niya parin yun.
Gie Cruz