โœ•

49 Replies

VIP Member

Sa opinion ko po or kung pov ko, actually wala naman kaso sakin na magbigay asawa ko sa parents nya e at tsaka most likely nanghihiram sila sa anak nila since may business din naman ang pil ko tsaka minsan lang din naman nanghihingi idk kung nagpapadala ba siya sa kanila monthly, panganay kasi hubby ko tapos tatlo sila magkakapatid yung pangalawa graduate na pero may dalawang anak na, si hubby sya nagbabayad tuition ng bunso nyang kapatid (mag-grade 6 palang sa pasukan). Nanghihingi lang parents nya kapag may occasion o kaya naman may gagastusin for younger sister... basta fair ang bigay ng mister mo momsh, keri na yan, sana naman magkasundo kayo ng mil mo, hehe napaisip rin kasi ako na minsan di talaga natin maiwasan mainggit sa parents ng asawa natin lalo na kapag 'mas malaki' yung bigay ni hubby sa kanila :) btw, seaman din hubby ko

Minsan ganyan din ako, Wala na nga kami, bigay pa NG bigay SA nanay nya, pag umutang kami SA nanay nya, laging singil, madalas doble pa singil.. pag Alam na may pera or sumahod si hubby, pipigain kami Nyan.. nakakaimbyerna..d Naman kmi mayaman.. tapos di pa maalagaan mga anak namin para Naman makapag trabaho ako, ang inaalagaan eh yung ampon ng hipag ko.. May lahi silang ingetera, Kung ano meron kami, dapat meron din sila๐Ÿคฃ pag humingi sila, bawal tumangi๐Ÿ˜‚ issue agad!! Ganun din byenan ko.. Kung di Lang talaga dahil SA knya, Wala asawa ko, Kaya kibikimkim ko lahat.. kahit nga para sakin na lng binibigay ko pa SA byenan ko๐Ÿ˜‚ dinaig pa nya tunay Kong nanay.. nanay Kong bigay NG bigay, sila namn sinasamantala, hingi NG hingi๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ๐Ÿ˜‚

You're blessed kc maganda work ni hubby unlike others. If sapat naman at mabibili nyu pa ibang bagay na kailangan ay ok lang nman cguro na magbigay din xa sa nanay nya. May kapatid din akung lalaki may pamilya narin at nasa Japan xa ngaun. At nagbibigay xa kina papa buwan2 minsan hnd pag may pinaglalaanan xa sa pera pero magbibigay padin. Xa lang kasi nasa labas ng bansa at mabbgat pa trabaho nya. Pero ni minsan yung kuya ko d naglabas ng ibang salita sa amin kc palagi nalang xa ang nagbbgay at tumutulong. Never nya kami hiningan ng share para itulong sa parents namin. Kahit alam ko dahil asawa din ako na may nararamdaman ding ganyan yung wife ng kuya ko.

Ako naman baligtad ako nag bibigay sa parents ko at mga kapatid ko kahit may asawa nako pero di nya ko kinukwestyon about jan. Kasi naisip ko kailangan ko silang tulungan. Kaya dapat intindihin mo rin sya kasi magulang nya yan. Hindi purkit nag asawa na sila o tayo e wala na tayo pake sa mga magulang natin o nila. Kung binuhay sila ng magulang nila ng napaka tagal natural lang na tumulong sa magulang parang utang na luob. hindi natin maalis saknila yun purkit asawa tayo dapat naiintindihan natin yang ganyang bagay para di pag simulan ng away. Ngayong magulang narin tayo balang araw maiintindihan mo rin kapag ang mga anak mona ang nag asawa.

hi po. Ok lg po yan as long as nd kayo pnapabayaan ni hubby mu. sapat nman po siguro ung binibigay na allotee sayo moms. and deserve nman po ng parents nya ang allotment na ntatanggap niya. Pinaghirapan din po kasi ng parents nya para mpgtapos c hubby at mkasampa. Be thankful nlng po and Be blessed. Sakin po. kakasal lg namin ni hubby last month ksi nauna akong nbuntis. Mas malaki po ung allotte ng parents nya compare sakin at ok lg po for me kasi npgkasya ko nmn po padala niya. aside po diyan may negosyo po kming dalawa kaya nkakapg.ipon nadin para sa. panganganak ko at pra sa baby namin. Godbless to all mommy and soon to be mom po.

Gnyan din asawa ko pero ok un sakin. Dun ko nalalaman na mabuting tao ang asawa ko at napaka swerte ko. Kasi ndi naman din nagkukulang ang asawa ko samin. Kumbaga isa yang paraan ng pagpapakita ng love, care, respect sa ating mga magulang na ndi natin cla kinakalimutan sa kabila ng dami ng blessings na natatanggap natin...isa din yan sa utos ng Diyos sa atin..makakaipon ka din kahit wala ung alote..kz kmi nakakaipon nman mejo iwas iwas nga lng sa ibang luho pra makaipon..para nman un sa magulang nia..bka kz wla cla work kya gnun. Pg naging magulang ka rin at lumaki mga anak u at nagkawork maiintindihan mo rin cla.. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

VIP Member

Sakin naman, okay lang magbigay siya sa mama niya kapag sahod niya. Siguro minsan ang di lang okay sakin kapag nakapag bigay na kami, may kasama pang grocery kada sahod ng LIP ko, minsan nahingi pa after ilang days. Kapag may sobra kami okay lang. Kaso kase Madalas ngayon saktuhan lang. Lalo na siya lang nag wowork kase pinag stop niya ako. Minsan nakakatampo din kase lagi kami nagbibigay sa mama niya,sa family nila. Pero pag nangangailangan kami family ko yung tumutulong samin lalo na mama ko, lagi siya nagbibigay para samin ni baby. Pero ganun talaga bawi nalang ako after manganak, ako naman magbibigay sa parents ko ๐Ÿ˜Š.

For me, as long as you both agreed kasi since kasal kayo lahat ng bagay ay dapat kayo dalawa ang dedecide lalo na when it comes sa pera..if nasanay c hubby mo nagbbigay sa parents niya nung d pa siya kasal well,iba na ngayon.. dapat pinag-usapan nyo muna para hindi masama loob ng isa sa inyo. mas priority nya na kayo and kelangan din nya irespect yung nafefeel mo sa bagay na yan,you have to be open with what you feel sa lahat ng bagay,baka may point din siya na kelangan mo din iconsider.. Pag-usapan nyo nlng sis,magging okay din kayo. ๐Ÿ˜Š

Im happy na pagdating sa ganitong bagay di kami obligado magbigay sa nanay ko o sa parents nya. May mga work sila and they know na madaming gastusin lalo at nagrerent pa lang kami ng bahay and mahal ng diapers ng mga bata. Pero syempre pakunswelo paglabas labas ayun treat na namin un. Pag may kailangan ipagawa sa bahay naghahati hati kami ng mga kapatid nya. Sila pa nga bumibili ng mga damit ng mga anak namin. Pag nauwi kami dun pag weekends may patake out pa na food most of the time.

Seaman asawa mo?hayaan mo mulang na magbigay si hubby sa mother inlaw mo kase kahit may asawa di naman dapat matapos responsibility natin u should be proud kase di madamot asawa maraming blessing na darating pag giver ka like in my case i let my husband to help my inlaws from being utility lang now he was promoted as pastry chef mkakaipon din kayo it depends about u how u spend your allotment u should always think its better to give than to recieve good karma balik sayo nun

Hnd pa kc kme nkakaipon eh tulad ngaun medyo short kme sa budget kakauwi lng nya kc dami binabayaran na agad tapos ngaun kc andun kme sa knila during vacation halos sya din gagastos dun sa bahay lahat..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles