ntatakot maCS
mommy, ask ko lng po kng sobrang sakit ba tlga maCS.. THANK YOU?

No. CS ako by choice pero sabi ni OB try muna ng labor at pag di kaya mag epidural na kaso bumaba heartbeat ni baby kaya natuloy din lang sa CS. Before and during the procedure walang masakit. Super bait ng medical team, OB,nurses, plus nkatanggal ng nerbyos yung anesthesiologist ko and OB. Super malambing sila at nakkatawa. I was awake nung operation kasi bawal daw ako matulog kasi kumain ako. Ang maffeel mo is pressure, parang dinadaganan ka lalo pag pinupush si baby. But to be honest, I didn't like the feeling nung una, kasi alam kong hinihiwa hiwa na ako, lalo nung pinush si baby palabas, kasi sinabihan ako "Medyo mabigat ha, ipupush na si baby" parang lahat ng lamang loob ko gumagalaw. Pero walang pain. After op, masakit pero bearable, the next day, pinatayo na ako ng OB ko. Mag to-two weeks na ako, okay na ako. Wala na akong naffeel na pain pag tumatayo. But still being careful :))
Magbasa pa
Expectant 1st time mom