34 Replies
No. CS ako by choice pero sabi ni OB try muna ng labor at pag di kaya mag epidural na kaso bumaba heartbeat ni baby kaya natuloy din lang sa CS. Before and during the procedure walang masakit. Super bait ng medical team, OB,nurses, plus nkatanggal ng nerbyos yung anesthesiologist ko and OB. Super malambing sila at nakkatawa. I was awake nung operation kasi bawal daw ako matulog kasi kumain ako. Ang maffeel mo is pressure, parang dinadaganan ka lalo pag pinupush si baby. But to be honest, I didn't like the feeling nung una, kasi alam kong hinihiwa hiwa na ako, lalo nung pinush si baby palabas, kasi sinabihan ako "Medyo mabigat ha, ipupush na si baby" parang lahat ng lamang loob ko gumagalaw. Pero walang pain. After op, masakit pero bearable, the next day, pinatayo na ako ng OB ko. Mag to-two weeks na ako, okay na ako. Wala na akong naffeel na pain pag tumatayo. But still being careful :))
Mahirap ang CS pero sa operation need mo mgrelax saglit lang ang operation mo wala pang 1 hour after nun saka ka makarandam ng pain pag pawala na anesthesia tapos matagal din makarecover cguro pag mahina ka mga 2 mos ka makakakilis pero pag malakas ka or malakas loob mo kahit 2 weeks or weeks kayang kaya mo ba kumilos depende kasi sa katawan mo po mommy..meron kasi ako nkasama nun sa hospital na after operation niya kinabukasan nakakupo na xa at kumikilos na samantalang ako pabebe pa hihihi hirap na hirap kumilos tumagilid at umupo..depende po talaga sa lakas ng katawan ..
Sobra! 😅 Nung sunday lang ako na ECS. Nerbyosa pa naman ako, nag pray lang talaga ako, pa ulit ulit ko ni recite ang I believe in God and Our Father. Grabe nerbyos ko talaga. Pero kinaya ko lang talaga. Mabuti safe kami ni baby. 3:46am lumabas si baby, nakalabas ako ng operating room 7AM na, parang naririnig ko sarili ko ang lakas ng hilik ko 😂 Tapos grabe yung chills ko din. Unti unting nawawala effect ng anesthesia ayun na ang sakit na, yung recovery stage talaga. Pero worth it lahat. Pasalamat talaga ako sa OB ko , safe kami pareho ni baby. ❤️❤️❤️
Ako Emergency CS ako. Sabi nila masakit ang paglalagay ng epidural pero wala akong naramdamang tinusok sa spine ko. Pagkalagay nun mommy seconds lang talaga mabhid na lower part mo tapos magiging high ka. Pero ako gising na gising at naririnig ko pa usapan nila. Hindi mo din mararamdamng hinihiwa ka na. Uugain ka nila tapos yun na yun mommy lalabas na si baby. 😂 Pero kapag nawala na anesthesia ay doon na ang masakit. Nag last ng pananakit ng hiwa ko 3 days to 4 days lang kasi naglakad ako kaagad kinabukasan ng operation.
Sa unang CS ko mabilis lang ako nakarecover. Parang di nga daw ako naCS kasi nakakakilos agad. Sa 2nd time medyo nahirapan ako kumilos after magwear off ng anesthesia. Nagpapassist pa ko papuntang cr a day after ng operation, pero mabilis pa din ang recovery period ko. Few days after the operation nakakakilos na ko ng maayos, malaking tulong ung binder. Lalo sa 2nd time ko kasi may inaalagan pa kong toddler. 2 silang alaga ko on my own. Honestly mas ininda ko pa ung skin test.
FTM ako kaya nagbabase lang din ako sa sinasabi. Sabi kapag manganganak daw masakit talaga ang normal compare sa CS. Sa CS kase inject ka ng anesthesia after nun wala kana mararamdaman. Pero pagkatapos na daw mas masakit na CS kase mas mahirap gumaling yung sugat kesa sa normal. Normal daw saglit lang balik na ulet sa dati, ang CS daw habang buhay mo na mararamdaman yung pagsakit sakit ng tahi mo.
Ako kinabahan ako bago magsimula ung operation e. Nasa ER palang ako napaparanoid na ko. Nung tinurukan n nga ako ng anesthesia aa likod, nagpanic ako haha sinabayan pa na hindi ako makahinga. Tagal ako bago lagyan ng oxygen. Hayup. Pumikit lang ako tas biglang narinig ko na baby ko. Basta sobrang saya. Yung sakit hindi ko naramdaman during and after operation. Basta alalay lang ako sa tahi ko
Haha ako ang gwapo ng anetesiologist ko ayaw pa umalis sa my gilid ulo ko simula nag orrient sya until nung pinatulog na nya ako after the procedure very thankful sa team nila. Kaso ung lanh after mawala nang anesthesia ang hapdi pati sa loob lalo nung 2nd pinutol ung palupean tube ko plus CS. Pero tiis tiis lang and dasal. Wag kabahan
Thanx. Same to you
During CS wala akong naramdaman. After operation, whole day nasa bed lang ako, 2nd day nagtatry na ako maglakad-lakad ng paunti. Discharged ako the 4th day. Bawal ka muna magbuhat ng medyo mabigat na bagay. Pero 2wks nakakaya ko na sarili ko. May nireseta din kaya siguro ang dali ko lang naka recover pero iwas pa din sa pagbubuhat..
Depende sa pain tolerance mo sis.. Ako kc naoperahan 6am, 12noon umupo na ako, 3pm tumayo na ako.. Ung cnasabi na masakit hnd ko masyado naramdaman e more on mabigat sa katawan lang.. Ung pagpapagaling naman hnd din ako gaano nahirapan, ang pinakachallenge lang talaga is ung pagtayo mo pagka galing sa higa.. Kc bawal ka magpwersa..
Ai Tan