6TH BIRTHDAY
Hi momshies! Mag 6 years old na yung anak ko this coming September. Kindergarten yung anak ko and 2 hours lang yung class nila. Gusto sana ni lo na mag birthday sa school kaso medyo nag aalangan ako, kasi nga 2 hours lang class tapos ang pasok pa is 6:30-9:00 pero di sila nag uuwian ng exact 9am, madalas 8:45 ganun. Paano kaya gagawin, gusto ni lo mag celebrate ng birthday sa school, first time if ever kasi usually kaming tatlo lang ng daddy niya ang nag ce-celebrate kaya gusto ko sana pag-bigyan para maiba and ma-enjoy niya sana. Kaso nga limited lang yung oras.Kahit sana yung ma-celebrate kahit saglit or makantahan naman siya ng happy birthday ng classmates niya. Any tips or share your ideas naman po para sa mga nakapag celebrate na ng birthday yung kids sa school..