39w6d still 2cm dilated π£
Hello Mommies. I am now 39w6d and EDD ko po bukas Sept.11 pero as of IE kahapon, 2cm dilated pa lang po ako. Wala akong any painful contractions pa na nararamdaman. Puro false contractions lang. Nag Everprim na po ako orally and vaginal insertion. Nag pineapple juice, walking 1hour, and squats 30mins. Pero as of now, naka self-isolate ako while waiting sa swab result ko kasi yung OB ko na expose sa covid (+) na patient and ngayon is (+) din sya pero she's asymptomatic. As much as possible ayoko i-stress yung sarili kakaisip sa possible na result ko kasi hindi na naman mababago yun. Gusto ko nalang talaga is mailabas yung anak ko na safe and healthy sya. π£ 5th day ko na naka isolate sa room ngayon. Hirap magpatagtag sa ganitong set-up. Dagdag pa yung need mo aliwin sarili mo para di ka lamunin ng stress at pressure. Yung anxiety ko kasi ngayon halos dumoble na dahil sa possibility na baka nahawaan ako ng OB ko. Yung LGU protocol kasi for (+) delivering patients is dun lang sa accredited na provincial hospital dito samen pwede manganak. Eh as much as possible ayoko sana dun kasi sobrang congested na at andun lahat naka admit mga (+) patients. And sa ward lang din pwede kasi puno na talaga, considering na public hospital din yun. Yung swab result ko maybe this weekend ma release. ππ Sana naman okay lang ang lahat. Hindi biro ang pandemic ngayon lalo na sa mga delivering mommies. Nakaka stress. #1stimemom