Preeclampsia first time mom
Hi mommies!! Good eve! Question lang po, meron po ba ditong nagkapreeclampsia pero nainormal delivery po si baby at sa lying-in ginawa? Sana po may magreply. Worried lang po ako, though wala pa naman ako assessment from OB ko na may preeclampsia ako. Currently, 35 weeks po ako and first time mom. Thank you po!#firstmom #preeclampsia
Wag mag worry masyado mi. Hindi porket mataas ang bp pre eclampsia na agad. If in case naman high blood ka or may pre eclampsia ka, hindi ka tatanggapin sa lying in kasi possible na dapt may cardio on board while nanganganak ka. If pre eclampsia usually na eemergency cs. If high blood lang, the controlled naman, nakakapag trial of labor pa. If tumaas bp while naglalabor, dun na ccs. Hypertensive ako even before pre pregnancy and so far no pre eclampisa and controlled ng meds ang bp and waiting pa ko ngayon mag labor. 37 wks na ko.
Magbasa paAko diagnosed with pregnancy induced hypertension. Nagstart lang sya nung nag 32 weeks na ako. Before that normal lagi bp ko, below 120/80 lagi. Ngayon 130/80-140/90 na range. 35 weeks na ako going 36, kaya weekly check up ko kasi high risk tapos lagi din inuultrasound check si baby if maliit ba or what. Last time biophysical profile naman nya is 8/8. Sabi lang ng ob ko possible na induce na nya ko ng 37 weeks kapag ganun padin bp ko. Niresetahan na din ako ng gamog for bp. Methlydopa
Magbasa paItanong m din pag nagpa BPS ka what percentile na si baby. Basta hindi bababa ng 10th percentile, okay naman yun. Usually kasi pag mababa sa 10, idiagnose ka nila na may IUGR.
hello mih Ako high blood nung buntis pero nairaos po, kailangan po may OB para palaging mamonitor si baby.kung ano meds mo dapat etake kasi pagnapabayaan , maliit na lalabas si baby gaya ko, umasa lang sa midwife, kasagsagan ng COVID kaya natakot kami pumunta sa Hosp. 1.7kg lang baby ko, Tanong Ako why Sha maliit, side effects daw ng hypertension
Magbasa paHi mi! Thank you sa pagreply. Pero okay naman po ang baby mo? 😊
usually itetest ka for urinalysis and check for presence of protein in your urine para malaman kung may preeclampsia ka. pag meron protein you will be considered high risk na at may pre eclampsia ka and youll be monitored. pag wala naman protein sa urine pwede kang mag normal delivery as long as hindi tataas bp mo during labor
Magbasa paThank you mommy for the explanation. Very helpful! So far ang lab test sakin na pinagawa is urine culture. Okay naman ang result. But di ko sure kung same siya sa urinalysis na makikita rin ang protein.
hi mie ako nung mga unang check up ko 140/80 pb ko and thanks God ngayong 22weeks n ako nagnormal na.,,may hyperthyroidism kc ako,,may maintenancedn nainiinom ako for hypertension..pero sabi ni ob wag lang dw sasakit yung dibdib ko makakamura dw ako hehe...pero kapag sumakit dw sa ospital dw nya ako ďadalhin..,
Magbasa paThank you mommy for sharing your experience. 🤗 so far kasi wala akong nararamdaman na anything, pero continuous monitoring ako ng BP ko. Nagsabi ako sa OB ko na ganun nangyari, pag sa digital daw kasi mejo mataas ang reading. Sa clinic naman nag 120 lang naman ako. Pero ayoko makampante kaya I ask mommies here sa group! 💛 Btw, sa lying in po plano mo manganak mommy?
same here. had post eclampsia on my previous pregnancy. mas mabuti consult ka nlng ng highrisk OB to monitor and meds na dapat e take. incase kung tataas dugo mo, atleast may ready kang pang HB na meds. nag take din ako aspirin as early as 12 weeks
CS po
Paano nyo po nasabi na may preeclampsia kayo if di pa naassess ni OB?. incase na may preeclampsia po di na po kayo papayagan sa lying in, sa hospital po since high risk category po pag ganyan kasi.
yung case ko normal bp ko ever since except sa sugar ko. nag ka preeclampsia ako pagkatapos ko manganak almost 14hr din yung labor ko. Nag request ako nun na kung pwde e CS ako dahil sa sobrang sakit. pero di sila pumayag kaya yun normal delivery. preeclampsia yung dating tas nilagnat ako. thank God ok naman baby ko. happy new year
sabi sakin ni ob basta hindi daw aabot ng 150/80 ang bp ko, sa bahay kasi normal naman bp ko pero everytime na may check up ako, laging 130/80,.. sabi ni ob normal pa daw yun wag lang aabot ng 150
Pero yung food intake niyo mi, normal? Or nagdidiet po kayo?
Bka kinakabahan ka lang mi, ganyan din ako pag kinakabahan. Kasi mapapansin naman yan ni ob mo kpag mataas bp mo
Siguro nga po mi. Pinapamonitor kasi ako ji OB kasi yun naman ang normal ipagawa pag nasa 20 weeks up na, tapos nung isang gabi nag 130 ako, e lagi lang ako 110 or 120. So simula nun, parang di ko na maiwasan isipin mangyari sakin na magkapre eclampsia. 🥹 Low risk pregnant po ako, never ako naglihi, nagspotting, or what. All laboratory ko all normal naman. Kaya ayun, mejo worried lang. 🥹
Pinsan ko nag pre eclampsia sa bunso niya 37weeks something siya, bumaba na hb ni baby kaya cs na agad.
Thank you mommy! 🤗✨
Got a bun in the oven