Pagligo ng baby sa gabi

Hello mommies FTM ng 16 month old po Since sobrang mainit ang panahon ngayon, pwede po ba liguan yung ganitong edad sa gabi(7-8pm)? Thank you po

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko pinanganak premiee after a month twice ko pinapaliguan, umaga tsaka gabi around 6-7pm kahit hindi mainit panahon... 3mos na xa ngayon, malusog naman... Hindi naman nakakasama sa bata ang pagligo,.. Sa NICU nga nun nasa ospital kami kahit gabing gabi na nakita ko pinaliguan ng mga nurse un premie na baby... Also kapag nagjebs anak ko after nya mag 1month, direct tap water hugas na pwet nya hindi na ko nagamit ng wipes...

Magbasa pa
Post reply image

since one month pa baby ko hanggang ngayon 2 yrs old na 2x a day po talaga sha naliligo. except kung nilalagnat, sponge bath lang. tinanong ko pedia nya nung baby pa sha kung okay lang and yes totally fine daw. advisable pa nga daw po 2x a day. umaga at gabi ko po pinapaliguan lo ko. full bath po both ligo

Magbasa pa

yes mi ☺️. ako personally, napansin ko mas malusog na si baby ko nung pinapaliguan ko na sya sa gabi. hindi na sya sakitin. dati kasi halos monthly kami nasa Clinic dahil sa Hika nya, ubo, sipon at lagnat. 1 y/o ko na sya inistart paliguan sa gabi. natatakot kasi ako nung baby pa sya 🤣

ako mi 2x a day ko pinapaliguan sa umaga tapos mga bandang 4pm kapag wala na gaanong init dito samin hindi ko pinapaabot ng 6pm para mapreskuhan siya ako nga na matanda init na init sila pa kayang baby like sa baby ko na sobrang pawisin 2months old palang siya now.

Yes po, 'yung routine namin since 5-6mos si baby is gabi talaga 'yung full bath time since I'm working from home from 8AM-5PM. Basta make sure po na warm water. So far, 'di naman nag-cause ng anything negative sa baby ko. Turning 16 months na siya this May.

VIP Member

yes mi ako din minsan 7pm na pinaliliguan ko pa si lo pero lukewarm lang pero pag mga 8 pass na linis nalang ng katawan kaya dapat wag na paabutin ng 8 mi liguan mo na agad much better mga 6pm

Yes po, Ginagawa ko na din yan sa baby ko days bago sya mag 1yr old sobrang init kasi talaga at iritable sya sa gabi kapag punas lang. May nakikita kasi ako sa iba na at 6 mos nagstart na maligo ng gabi.

Yes! Mas maganda masanay sila na maligo sa gabi. Mas ok yun kasi lahat ng bacteria coming from outside or other people ma wash out at para makatulog kaagad siya kasi presko ang bagong ligo.

pwedeng paliguan si baby kahit gabi, yung pamangkin ko nililiguan bago matulog. para mapreskuhan din kasi sa sobrang init ng panahon. healthy naman pamangkin ko☺️

TapFluencer

since 16 months na po, mas pawisin po sila kaya I think ok naman po as long as warm bath po and di po matagal ligo like 5 min lang ganun hehe