First time parent

Hi mommies/daddies , kamusta po first time parents? kami po mula nanganak ako sinubok ang aming pagsasama. More away and bati. Normal lng po ba yun? btw, may bipolar 2 ako at postpartum depression na diagnose ako nitong 1 year old na si baby. Napapansin ko nag iiba ang mood ko palagi at laging galit. Pabago bago ang desisyon dahip sa bipolar 2. Una hindi naniniwala si hubby dahil nasa isip kulang daw yun pangalawa ang pamilya ko especially ang nanay ko, magpagamot daw ako sa abularyo. Una palang alam ko may kakaiba na sakin. Ayaw ko kase napagsasalitaan ako ng masakit porke nasa bahay lang ako. Kada nagkakasakit ang baby ko sakin sinisisi. So , pakiramdam ko pabaya akong ina kahit ginagawa ko naman lahat. Dapat ba ako matuwa kung ako sisisihin pero dapat naman talaga ako kase ako ang ina. Pero in a nice way of tune ng voice. Bilang asawa sana ay maintindihan din tayo . By the way, responsible nman si hubby and good provider. Mainitin lang talga ulo nya. THANK YOU SA PAKIKINIG. Negative and Positive comment tatanggapin ko. But no offensive words like badwords.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy! nararamdaman ko din na pabaya akong ina pag may sakit si baby. as in umiiyak pa ako. going 6 months na si baby. pero ung first 3 months namin grabe yung pagsubok. natural lang yata yun kasi naguumpisa na ung pamilya. sa magasawa, communication is key talaga. nakakalungkot lang na ganun ung reaction ng asawa mo. pero possible na in denial sya kasi natatakot sya. possible din na di nya maintindihan ung mga ganyan kaya ayaw nya maniwala. unfortunately, nakamonitor lahat sila sa ginagawa mo lalo na at ftm ka. i have learned to just ignore them hanggang sa di na ako affected. kung kaya mo isama si hubby mo sa checkups mo regarding your mental health, do it. para informed din sya. sana may kahit isa lang na kapamilya mo na makanitindi ng pinagdadaanan mo ngayon. mahirap ang walang support system. virtual hugs sis!

Magbasa pa
3y ago

isinama kuna po sya sa check up ko, pinilit ko pa po kase nga ayaw maniwala. Dedma po nangyare.