Advice pls 😅
Hi mommies! Yung in laws ko kasi gusto kami papuntahin sa house nila, tho hindi naman malayo, same town lang pero magkaibang brgy. Btw, andito po kami ni Lo sa mama ko, and LDR po kami ni husband. Hindi ko kasi alam isasabi ko sa in laws ko hehe minsan kasi ayaw ko na sana na ilabas si Lo kasi paiba iba ang weather talaga ngayon dito sa amin. 2 months palang si baby at Kakagaling lang ng ubo nya, at ayaw ko na sana maulit yun, ayaw ko lang sana maoffend sila or isipin nila na ayaw ko dalahin si baby ko sa kabila. Nagiinsist naman ako palagi na pumunta na lang sila dito sa bahay if gusto bisitahin si baby kasi welcome na welcome naman sila dito, and also kapag kasi nasa kabila kami, hindi naliliguan si LO, kesyo sasabihin ng MIL ko na malamig daw, punasan na lang muna, si LO kasi sanay na naliligo everyday, ang ending irritated si baby at hindi makatulog ng maayos pag hindi nakakaligo. What should i do mommies haha gusto kasi nila duun kami magstay for a week, nagstay na kami sa kanila before ng 1 month at ang hirap talaga magadjust lalo na pag hindi mo sariling bahay, paano ko ba sasabihin na ayaw ko pumunta haha in a nice way 😅