1yr old baby
Mommies, yung baby ko po kasi 1year old, natutunan nya po na pilitin mag duwal o masuka. As if sumusubok syang magsalita or sumigaw then maduduwal na sya. Napansin ko po ito na ginagawa nya most of the time kapag bored sya sa crib nya at gusto nya makuha atensyon namin. For example, naglalaro sya sa crib or nakahiga sa crib then kaming magasawa nagwowork. Kapag gusto nyang pansinin namin sya magduduwal duwalan na sya hanggang sa maduwal na nga. Ano po kaya ang dahilan bakit ganon and kung meron din po sa inyo na same experience? Please advise and share tips po para maiwasan na maging mannerism nya yun. Thank you! Ps. I am also considering to consult a pedia, kaso hindi pa mapush sa ngayon dahil sa pandemya..
My life is composed of little happiness. ❤