17 Replies

Ako nag overdue ako, pinabayaan Lang umabot ng ob ko kasi haggang 42weeks paman daw, ika 41weeks and 5 days ko nun nung nag simula labour pain ko, plan talaga inormal, kasi normal naman lahat findings ni baby sa loob. Tiniis ko yung sakit 32 hours ako nag labour pero ang ending emergency cs padin. Kasi di makalabas si baby, maliit labasan nya.. tip lang mami mag ready po kayo for plan b, which is money kung ma ccs kayo. Kasi naghirap kami nung sakin, Yung niready Lang namin na pera for normal delivery lang. At sadly ni refer pa kami sa private hosp. Kasi sa private birthing center lang ako dapat manganganak 8k up daw bayad kaya yun lang ni ready namin.dami pa naman protocol sa hosp bago ka ipasok mag rapid test muna. Umiyak pa hubby ko dun kasi di sya pwede pumasok sa operating room kung wala munang down payment, at di rin nya pwede makita pa yung baby namin kung wala siyang bayad din dun sa nicu. Hays nakaka stress nun, kaya pray ka Lang talaga mami at mag handa for financial. God bless

hi mommy.. ngkasigns of labor po ako few hours lng bago manganak.. Nung Aug 8, ng-39 weeks n 1 day po tyan ko, ngpachek up ako sa OB. Sabi nya 1 cm na raw ako, pero no other signs ng labor. Sabi nya baka manganganak na ako within d day.. around 3pm ngsimula na akong duguin ng mild lng.. Tinext ko c OB, sabi nya if may pain n intervals na ang contractions, go na ako sa hospital.. 4pm lumalakas na ang pgdurugo, kaya ngready na kami para pumunta sa hosp.. 4.30pm 1 minute nlang ang interval ng contractions at medyo masakit na.. mga 5.10pm dumating ako sa hosp at na IE ng midwife.. fully dilated na daw cervix ko pero intact pa rin panubigan ko.. 5.58pm out na c baby.. Sa prior days, ngwalking ako for about 10 mins tapos sinunod ko lng ung exercise sa Youtube para mghelp mg-induce ng labor.. Praying for your safe delivery mommy.😊

wow naman momsh.. 1cm tapos tuluy tuloy ka? sarap naman haha.. ako 1cm 36 weeks pero 38 weeks na ko waley pa rin.. sumasakit sakit lang puson ko pero that's just it 😅 puro practice labor lang.. enebe

sa first baby ko po 40 weeks and 5days.. nung umabot ako sa due date no sign of labor open cervix and 1cm na ko.. ang ginawa ko po mula umaga panay lakad ako hindi n din po ako natutulog sa tanghali kahit super antok na ko..and after 5days may sign n ng labor and blood..tuloy tuloy pa rin sa lakad kahit super ngalay ng paa at binti ko..inoorasan ko ung hilab...then nung pagpunta clinic aun 8cm na xa..lakad lakad sa loob ng room after 2hrs. lumabas n c baby.. via NSD 3.6kg 😊😊 pray lng mga mamsh..lakad lakad and squat.. Goodluck po sa inyo..Godbless..

Ganyan din ako last yr mommy. 😊 EDD ko June 21 pero morning ng EDD ko no sign of labor pa rin nag prenatal pa ako 12pm nung June21 tapos 2cm na daw. Nag mall pa ako nun tapos kumain sa resto. Pagkauwi ko dun na humilab. Dumating kame sa hospital mag 7 pm na tapos sabi ng midwife 7cm palang daw. Pero after 30 mins check nila 10cm na daw kaya ni-rush na ako sa delivery room. Pagkaputok ng panubigan ko sumunod na si baby lumabas 😊😊 Ftm din hehe 😊

38 weeks and 1 day.. mejo pressured din ako kaso gusto ko na sana makaraos bago maexpire validity ng swab test ko sa 14 😅 been talking to my baby na sana lumabas na siya kasi nag eenjoy pa ata sa loob eh, di mo naman mapipilit if ayaw pa talaga nya.. pero praying na wag naman abutin ng 39 weeks kasi ayoko din maCS waaaa

8k po sa Makati Med. yun lang kasi malapit samin, wala kami sasakyan eh ☹ uulitin ko yan momsh kapag di pa ko nanganak by 13

Almight God has the always best timing. Just keep asking Him for vaginal birth. Konting overdue is fine basta yung condition ng katawan mo ay malakas naman. E endure lang natin yung pain. Basta nakapasok, makakalabas yan with the Almighty Creator's grace. Walk walk din po every morning.

Ganyan din ako nun s first baby ko walang sign ng labour 42weeks and 5days n.nghanap ako ng mgikot ikot kn s lugar nu ng magaling na midwife.my pinasok lang sa pwerta ko n pmpaLabour within 2hours 8cm n ako nlabas ko si baby ng normal.depende sa midwife wag ka sa OB at sa hospital

TapFluencer

Same here I'm 39weeks and 6 days nah bukas due KO na...sobrang nkkaworried nuh nkkstress😔pro sabe Ng MGA friends KO wag daw mgworry KC my nanganganak daw 1 week before due and 2weeks after Ng due...relax nlng tau mommy and pray🙏mkaraos din tau....

39 weeks na ako today pero wala pa ding sign. nag do na kami ni lip baka sakaling humilab at blood na lumabas kaso brown discharge lang and 1 day lang ako nagkaroon. gusto ko na din makaraos kaya lang minsan mababa si baby minsan naman tumataas.

VIP Member

Okay lang po yan mommy ako po nanganak 40weeks and 2days no sign walang lumabas sakin dugo bigla na lang sumakit tiyan ko tapos pag punta ko lying 8cm na pinaanak na ako kausapin mo lang po lagi si baby 😊😇

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles