sabihan na kita ng masakit na salita mommy ha? kasi ang ayoko sa lahat naapi ang anak ko na hindi nya tunay na anak. alam mo ba parehas tayo eeeh, may anak sa ex pero hindi ako bobo mommie 😞😢 hindi ako bobo, hindi ako tanga kasi ang pangako ko sa sarili ko kung magkaka asawa ako gusto ko kahit hindi ako masyadong mahal basta makita ko lang na mas mahal nya anak ko kesa sa akin 😢 naiintindihan kita mommie kung late mo na nalaman ugali nya pero sana nung umpisa palang ng nakita o naramdaman po inaapi anak mo bumitaw kana alam mo kung bakit? aantayin mo paba na kamuhian ka ng anak mo dahil sa kanya? aantayin mo pa ba pag gising mo wala ng buhay anak mo dahil sa kanya? sana gumawa kana ng action sa umpisa palang ano ngayon kung wala ulit ama yang dinadala mo? pahalagahan mo rin yung unang anak mo wag lang feelings mo! sorry to say this mommie nasasaktan ako eeeh kasi nilalagay ko posisyon ko sa posisyon ng anak ko at ng anak mo 😭 buntis rin ako ngayon 6months pero hindi ko hahayaan maging kawawa anak ko mommie. etong partner ko nakatikim to ng salita sa akin kahit wala syang nagawang mali, ang nagawa nya lang is nong nagka pamangkin sya natoon ang oras nya doon kesa sa anak ko, alam mo ginawa ko? nag impake ako, pinigilan nya ako, anong sabi nya? bakit kami aalis? anong sabi ko? AYOKO MAKISAMA SA LALAKING MAS MAHAL PA ANG IBANG BATA KESA SA ANAK KO! YES KADUGO NYA YUN AT HINDI ANG AKIN PERO SABI KO SA KANYA KUNG MAHAL NYA AKO MAS MAHAL NYA DAPAT ANAK KO AT GUSTO KO MAKITA O MARAMDAMAN ARAW-ARAW yun! binigyan ko sya ng karapatan disiplinahin anak ko mommie, binigyan ko sya ng panahon bumawi. pero alam mo nangyari? ayon, mas close silang dalawa kesa sa akin, araw2x ko nakikita masaya anak ko sa kanya, tulog nalang ako sa gabi silang dalawa nag bobonding pa! 🙏 hindi ko sinasabi na perpekto akong mama, hindi ko sinasabing gawin mo rin to. ang ibig ko sabihin gumising ka! kahit hindi kana mang hingi ng advice mommie ikaw mismo dapat alam yan! sa simula palang dapat mulat kana, sa umpisa palang dapat anak mo muna😢 sorry sa mga nasabi ko pero nasasaktan ako para sa anak mo at hindi sayo. God bless! anyways mommie pag lumabas itong nasa tiyan ko wala akong plano ipaghiwalay sila ng unang anak ko, may plano ako ipaalaga sa mama ko kasi may trabaho ako at ang husband ko ayoko iwan sa side ng husband ko ang mga anak ko dahil ayokong magkahiwalay sila ng feelings, like, alam mo na baka hindi sila magkasundo, kaya mama ko mag aalaga sa dalawa kong anak gusto ko lumaki silang mahal ang isat-isa na walang inggitan 😊 may paki alam ako sa feelings ng husband ko pero nag usap na kami 😊 alam nya reason ko.
parang may sakit nga sa utak asawa mo sis.... nakakatakot makisama sa ganyan.... baka kung ano maiisip gawin sa inyo pag nalalasing.... mas mabuting ipaalam mo sa parents mo.... wag kang magpasindak.... kailangan ng asawa mo magamot... baka may matinding pinagdaanan yan ng kabataan nya ngayon lumabas ng tumanda... scary kasi nananakit... hindi tama yon kahit kasal kayo o hindi. kaya pagisipan mong mabuti.... hindi tamang magstay ka pa sa puder ng asawa mo... lalo n malapit k ng manganak... hindi k nya aalagaan baka ikabinat mo pa at worse pati mga anak mo saktan nya. please don't wait n pati mga anak mo saktan nya walang kalaban laban mga bata.... so please make a decision now! act now! don't wait for more worsen things n kaya nyang gawin sayo... walang matinong lalaki n pagbubuhatan ng kamay ang asawa nya.... sobrang mali yon. seek help to your parents or anyone.. pakulong mo sis if saktan k ulet..... baka matulad k sa asawa mo may saltik if hinayaan mo gawing kang punching bag lagi.. maaalog buong pagkatao mo... possible kasi yon.... magbreakdown k sa sobrang stress at problema... pray for GOD'S protection.... and pray for your husband na kumilos ang DIYOS sa buhay nya... walang imposible sa Panginoon.. at sinasagot nya ang panalangin natin.... your husband life might be a great testimony that only GOD can transform the life of people.... He use the most worst in life to show that HE is GOD can do impossible things and make best out of it for HIS glory.... don't stop praying for your husband... but you should decide on your current situation ... secure your safety and safety of your children.... your a mother. fight for your family.... fight for your child.... take courage....
Aww. I feel about you sis. My partner was once physically and orally abusive to me.. Lumaban ako , hindi ako nanahimik lang. I was once like you na hinayaan ko lang syang ganyanin ako.. Ganyan sya kase alam nyang di mo sya kayang iwan lalo na't kasal na kayo. But yung akin kasi sis, until napagod na ako. I decided to leave him. OF COURSE, NO WOMAN WOULD EVER DESERVE TO BE TREATED THAT WAY.. Hindi ako nagparamdam sakanya, until narealize naman nya na gago sya. Oo talaga. Then nagbago naman sya. Pinakiramdaman ko muna ofcourse. UntiL nakita ko na sincere naman sya, pinursue nya ako uLit,and now magkakababy na kami. He changed, for the better, not only for the both of us, but also for our baby. Sis, kapag Mali na, Tama na. You don't deserve to be treated like that, and no woman would ever be. You deserve the best. You can be more. Wag kang magsettle dahiL lamg kasal kayo. Be brave para sa mag babies mo. Kung Mahal ka, hindi ka tatratuhin ng ganyan sis. I've shared my story not to give you hope na magbabago sya. Just on the other hand din na if ever nga magbago sya, it would be for Love and not just for the flesh. Lumaban ka sis. Seek help if needed. Meron tayong RA na Violataions Agains Women and Children. May mga help desks for women also sis. Find the courage to stand up. Sis, I'm telling you. Hindi mo deserve yan.
I am so sorry to hear your experience. Hindi ko naranasan 'yan pero ito lang masasabi ko sa'yo sis, umalis ka na sa relasyong 'yan habang maaga pa.. kasi hindi na healthy 'yang ginagawa sa inyo. Kung ako sa'yo ipapakulong ko siya at hindi na ako aasang magkakaayos pa kami. He has crossed the line, una, sa pananakit niya sa'yo. Pangalawa, sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa first child mo. Napaka-foul, sis. Hindi gawain ng normal na lalake, lalo pa't kasal siya sa'yo at pamilya na kayo. You don't hurt your own. At least not intentionally. Abuse na 'yang ginagawa niya sa'yo. Makukulong talaga siya basta sapat ang ebidensiya. Hindi ako magugulat kung paglabas ng baby mo ay sasaktan niya rin paglaki. May resibo o kahit anong ebidensya ka ba galing sa ospital 'nung tinahi ulo mo? Or pictures man lang na duguan damit mo, o 'nung tinahi sa'yo? Evidence 'yun. I-save mo lahat ng chats niya and i-screenshot at print mo kung kailangan. Ebidensiya 'yan, sis. Punta ka sa police station, sa women's desk, sabihin mo magrereport ka ng domestic violence laban sa asawa mo.
As I can see my psychological problem yang asawa mo sobrang possessive yan at beleive me or not ndi yan naalis, been married for 12 years at yan reason q kya ko iniwan pero nmn sing worst ng sayo, kasi nmn aq umabot s mapasaan at may dumugo, pero ngmumura sia lalo lpg na lasing may mga harsh words s pagkababae in short nkaka degrade, we are separated now and prehas n kme may knya knyang buhay may anak kme 4, ndi reason n matakot ka kasi mas mhirap kpg lumaki anak nio masasaksohan n gnyan ka, ndi yan na gagamot unless n ma accept nia s sarili nia n may problema sia, acceptance yan usually dala yan ng insecurities.. Seek advice kumilos ka bago mahuli ang lahat, mag babago yan weeks and yet babalik s dating attitude... It runs on him... Lalo malala yan kpg humihiram ng lakas ng loob s alak, may mga bgay yan n kinikimkim n d nia na lalabas. May ex husband and i are good now at ngpapaka magulang kme ng maayos s mga anak nmin pero sana sabi q s knya wag nia n I apply ang ugali nia s bago nia now..
Mommy sobrang nakakalungkot yung sitwasyon mo. If I were you kahit kasal pa kayo iwan mo siya. Hindi mo kailangan ang tulad niya. Every woman deserves a man na hindi lang magmamahal sa kanya at sa pamilya niya kundi rerespeto sayo at sa mga taong mahal mo. Una pa lang na sinaktan ka niya sana nag-isip ka na. Pwede ka rin nmang humingi ng tulong sa women's desk regarding your issue. Wag kang matakot at wag mo isipin ang sasabihin ng iba. Isipin mo ang mga anak mo dahil higit na mahalaga sila kesa sa lalaking may sira ang ulo (Sorry to say that). His chat messages are concrete proof of abuse, he even mentioned your father. And lastly, kung higit man na may makakatulong sayo, yun ay yung lakas ng loob mo at maaaring yung pamilya mo. Ipablotter mo yung lalaki na yan. Babae tayo hindi babae lang. Nagkamali at nadapa ka kaya habang di mo pa ipinapanganak yung anak mo bumangon ka na for a fresh start. God bless you and we will include you in our prayers!
Momsh, Wala kami sa sitwasyon mo, pero pareho tayong ayaw sa ganyan. Hindi mo ikakaila na ayaw mo makita at marinig ng mga anak mo ang ganyang ugali at salita. Momsh, kapit ka kay Lord, bibigyan ka niya ng lakas at tamang pag iisip kung ano dapat mo gawin. Usap tayo momsh, ito din ang pangalan ko sa FB. Kailangan mo din ng mga numerong ito: POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE PNP Hotline: 177 Aleng Pulis Hotline: (+63) 919 777 7377 PNP-Women and Children Protection Center (WCPC) 24/7 AVAWCD Office: 8532-6690 Email: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD) Hotline: (02) 8525-6028 Email: vawcd@nbi.gov.ph MEDICAL ASSISTANCE Women and Children Protection Units Directory: https://www.childprotectionnetwork.org/wcpu-directory/ National Center for Mental Health (NCMH) Crisis hotline: (02) 8989-8727 / 09178998727
Ate you should sue him. Opo mas bata po ako sa inyo pero nakikita ko na po na mali yung ginagawa nyong inuuna ang takot, lumalabas po kasi na hindi nyo sya kayang ipakulong dahil mahal mo sya and lumalaki ulo nya at lalong tumatapang. Dapat binibigyan mo yan ng leksyon. Unang una ate may babies kana, paano kung kada bugbog niya sayo "wag naman sana" malaglag si baby? Yung father ko po mismo miski kurot hindi nya nagagawa sa mother ko and ako ngayon po di po sinasaktan ng fiance ko po kasi nga po alam nyang buntis ako. Ate kung mahal ka nyan, kahit lasing sya mangingibabaw padin pagmamahal nya sayo so he wouldn't hurt you physical or mentally man po yan. Makakasama sa baby mo yang pagkikimkim ng sakit ate gusto mo bang malungkot si baby dyan sa tummy mo tapos mag swim palabas? You should love yourself and your babies before other boys.
Hiwalayan mo na yan adik yan.. wag mo habulin yang kasal nyo at wala ka din namang mapapala d naman. Mayaman ata yan sakin ng katawan at kalooban lang inaabot mo jan..yan pa papatay sau.. kaya habang kaya mo pang lumakad palabas ng bahay nyo kumilos kana.. baka mas malala pa magawa nyan sa pag tagal tagal ng panahon.. kung ikaw kaya mo tiisin pananakit sau wag naman san umabot pati anak mo sa una madampian ng kamay nyan.. at ikaw na tlga ang may kasalanan pag nangyari pa un..maawa ka din sa mga anak mo.. hinahabol mo bang magkaron ng buong pamilya ung anak mo?pwes sa mga pananlita nyan mukang wala kang dapat habulin unang una abnoy yang napakasalan mo.. pangalawa muka ding iresponsable yan.. pangatlo wag sanang mangyari isa sa inyo tlga magka patayan pa kau kc muka tlgang wala sa katinuan yan..pakulong mo din yan..
Hello Mamsh alam mo halos same tyo ng storya sa 1st baby ko pero hindi lang ako ksal sa knya.. magpapakasal ako dpt kaso namatay daddy nya a few weeks bago kmi iksal kaya d natuloy sukob s patay daw.. saka saken halos massabi ko impyerno yta ung buhay ko dte xe torture halos gnawa saken nun matalino cya d nya sinasaktan s mga parts n mkikita sa labas ng dmit s ulo sa likod sa chan, gustong gusto ko humingi ng tulong nun s mgulang ko pero napipigilan ako xe sinasaalang alang ko pa rin ung pagssma namen.. pinagdasal ko nlng n umales cya sa bahay namen, 3yrs.ako nkatali s knya.. saken lang wla n ko pgmmhal s knya.. naawa lng ako s anak ko na mawawalan ng tatay.. pero tlgang my hangganan din ang pasencya ko.. kya nung umales cya never ko n cya pnabalik s buhay ko.. nakalaya na ko. 10yrs.n ko nakakawala sa knya..
Angela Sÿ