MIXED FEEDING
Hi mommies, these past few days sobrang stress ako. Before mag 1 month baby ko exclusively breastfeeding ako. Hanggang ito na 1 month na siya, napapansin ko na humihina supply ng milk ko at parang nakukulangan baby ko. so no choice ako, nagdecide ako na i-mixed feeding siya. Then these past few days bigla na lang ayaw niya na maglatch sakin, iyak lang siya ng iyak kapag nilalapit ko na yung nipple ko. Naaawa na rin ako sa kanya kasi gusto ko breastmilk pa rin sana ang dedehin niya😭 kasi sa first baby ko ebf ako hanggang mag 2 years old siya. Di ko talaga gusto na padedehin siya ng formula milk pero di ko naman din kaya na makita na iyak lang siya ng iyak. Nagtatry ako magpump pero hangga't hindi siya naglalatch wala talagang lumalabas. Naisip ko baka isa rin sa reason kung bakit humina supply ng milk ko, stress, nalilipasan ng gutom kasi walang naghahanda ng pagkain ko. Hindi rin nakakahigop ng may sabaw kasi di na kaya ng time ko makapagluto, yung asawa ko sinasabihan ko na handaan ako food before pumasok ng work hindi niya na nagagawa kaya madalas kami mag-away. Umiinom naman ako ng milo at malunggay capsule pero parang hindi pa rin sapat. Ano pa ba dapat kong gawin? Sana mabigyan nyo ko tips salamat