Subchorionic Hemorrhage
Hi mommies, may subchorionic hemorrhage po kasi ako, nung pangalawang check up ko may laki syang 10.4 x 9.5 mm tapos last week lumiit sya ng 9.1 x 5.7 mm nalang tapos kanina nung nagpacheck up ako biglang lumaki ng 17.7 x 10.8 mm. Nirecommend po sakin ang iadmit ako pero tumanggi po sa kadahilanang wala pong pera, kaya complete bed rest nalang po. Sa tingin nyo po ba liliit pa sya kahit lumaki na? Nagtetake din po ako ng Duvadilan at Duphaston. Nagwoworry kasi ako, I'm 8weeks pregnant po. Thanks in advance for the answers po!

Just to give u an idea sa panganib na pwedeng mangyari: baka makunan ka pag d naagapan. Bakit: masyado malaki na ung hemorrhage. Baka maipit ung placenta. pag napisat ung placenta, panu na mabubuhay c baby? Un ung source nya sa tyan mo..



