chika minute!
Hi mommies! Sino po dito ang natsismis na and how did you handle the situation? ? Posted: 04/27/20
Me! Married na ako non .. nachismis pa ko na nabuntis daw (pero di pa talaga ako preggy nun).. o ha!!! Kaloka! Parang masamang mabuntis ng may asawa at kasal diba ? Titindi ng mga chismosa samin 🤣 Someone confronted me pa nga! (Kasama ang baby nya) "Mamamasko po! Ang laki na ng anak mo! " ( pero pamangkin ko kasama ko nun) Sabi ko na lang... "Wala pa kong anak. Kanino mo nabalitaan na nagbuntis ako at nanganak? Mabulok sana bunganga ng mga chismosa na yan! Char!!!!" Tapos nanahimik sya at umalis without even saying thank you sa papasko ko sa kanya at sa bibi nya. Ps. Sinabi ko po yun para tamaan talaga sya. Sya po kasi nangunguna sa listahan ng chismosa sa barangay. 🤣
Magbasa paPinagchichismisan ako kasi nag qualified ako sa SAP ng DSWD laking issue nyan sa mga kapitbahay ko kasi di daw kami deserving kasi nakakapag part time pa ko sa bahay, akala ata nila malaki kinikita ko, malapit na kong manganak since nawalan ng work si hubby nagalaw namin yung ipon para sa pampapaanak malaking tulong talaga samin yung financial aid kasi bukod sa lalabas na baby meron pa kaming dalawang anak na 12 & 10 years old. Araw araw nila kaming pinagchichismisan sa tapat pa mismo ng bahay namin para marinig namin. Dahil sa stress dinugo ako kaya bed rest ako ngyon at umiinom ng pampakapit 😣
Magbasa paako dito palibot ng mga tsismosa gaganda ng bahay mga demonyita naman nakatira hahahaha namamahay pa talaga para magtsismis sabi buntis daw ako di daw ako nalabas. which is true naman oo nga buntis ako pero marunong kase kame sumunod sa stay at home hahahaha di daw kase ako nalabas sabi ko saan ako pupunta alangan naman mag gagagala pa ako dito sa villa, rumampa rampa ako tapos pag lalabas ako titingen sila mag eevil smile ako tapos mas lalo ko iuusli yung tyan ko dedma hahaha bulungan sila lako pake nasigaw ako na baka mahulugan sila ng mangga namen bahala sila hahahahaha
Magbasa paBasta dakilang chismosa, ke may ginagawa ka o wala, pagchichismisan ka. Iyong tipong hindi ka naman paralabas ng bahay pero napaguusapan ka. Hindi mo naman inaano pero parang ang laki ng galit sayo. INSECURITY STRIKES. Paano nahahandle? Simple lang po. Kapag naririnig ko, labas sa isang tenga labas sa kabila. Pakialam ko sa kanila. Kapag pinatulan mo at ipapakitang apektado ka, tuwa sila panigurado kasi bentang benta at tumatagos sa'yo ang mga nasasabi nila. Kaya ako, dedma bahala silang sumakit ang ulo kakaisip ng kung anong ichichismis nila.
Magbasa paAko nga wala pang ginagawa may kwento na agad sila sakin. Makita lang nila akong dumaan may panibagong kwento ang buhay ko 😂 Ignore mo lang sila, pasok sa kabilang tenga labas sa kabila. Wala naman silang magiging ambag sa buhay mo kaya hindi dapat sila pinapakinggan. ALWAYS THINK POSITIVELY! Mas kilala mo sarili mo kaysa sa kanila. Wag nalang din patulan kasi yun ang gusto nila yung pumatol ka para ikaw ang mag mukhang katuwatuwa at masama.
Magbasa paAko natsismis na ko ng mga kamag anak ko na kaya daw ako lumayas sa bahay namin kasi buntis ako.. well, very conservative kasi ang angkan namin.. di nila alam nagpakasal na kasi ako at bumukod na kami ng asawa ko 🤣 di kasi sila invited sa very solemn and private wedding namin eh kasi exclusive for family lang. Wala di ko nalang pinansin mga chismis na yan. Lilipas din yan unless talagang nakabroadcast sa social media, kakasuhan ko na hehehe
Magbasa paDedma na lang sis. Ftm ako,and maliit ako magbuntis ngayon. So nung 3 months palang tyan ko pag-uwi ko samin sa papa ko(sa asawa ko ako nakatira ngayon),nachismis ako sa compound namin na puro kamag-anak ko na mukha daw akong hindi buntis kasi wala daw baby bump,parang wala lang. Then pagbalik ko nung 4th month ko ang balita naman "nalaglag or pinalaglag ko daw" 😂😂 Sa loob loob ko pinagtatawanan ko nalang sila,mga walang magawa sa buhay.
Magbasa paChinismis ko din sila online sa ig stories since bored ako nun. Mejo bata kasi itsura ko, bagong lipat kmi ni hubz sa isang province, daming masakit na salita sinabi ung lola na kpitbahay namin. Mapusok dw kami, eh 27 n kmi ngpakasal. Baka buntis lng daw ako etc etc dami pa. Hahahah. Tapos kumalat na ung ig stories ko hanggang sa umabot na mismo dun sa ng chichismis sakin. Tumigil din sila hahaha 2 years ago un
Magbasa pame bec im 16 and im a teen age mom but still u remain strong bec i know and God knows that I've regret what i did but im still ready to raise my Child with Gods guidance and also woth my parents as well, i know i deserve the chismiss i always heard but i also Know that this was the greatest blessing yet the amazing consequence that God gave so i thankyou everything!!!!!!
Magbasa paMe, nagagalit sa una pero kung non-sense naman iniignore ko na pwera nalang kung below the belt na at degrading lalo nat nadadamay na ang family sinesettle ko na kaagad. naniniwala din talaga ako sa mga taong walang magawa sa buhay kundi manghimasok sa buhay ng may buhay kahit di kapa lumalabas ng bahay mayroon talagang ganyan di maiiwasan lalo na sa social media
Magbasa pa