FAQ’s

Hi mommies! Share ko lang po opinions ko about sa mga common questions na nababasa ko dito sa TAP. 1. May UTI po ako, safe po ba mag-take ng antibiotic? Answer: Yes po basta nireseta ng OB. Trust our OBs po, hindi naman nila tayo ipapahamak ? Basta i-take lang ang antibiotic na nireseta ng doctor, wag bumili or magtake ng kung ano-anong gamot na wala sa reseta or hindi nireseta. 2. Positive po ba or Negative? Answer: Kung dalawang lines po ang lumabas sa test, congrats! Isa ka na pong mommy. Faint line man yan, pero kung nagdo-doubt pa din po kayo, wait po kayo 1 week ulit para mas makasiguro. Better magtest sa umaga, first ihi. 3. May dugo po sa panty ko/Nagbleleed po ako pero konti lang. Ano po kailangan kong gawin or ano po ibig sabihin nito? Answer: Any bleeding sa pregnancy is delikado po. Kahit ilang weeks pa po tiyan niyo. Konting bleeding? Punta agad sa hospital or contactin si OB. Wag na po itanong or magpost pa dito, emergency na po yan. 4. I’m , girl po or boy? Answer: Wala po sa laki ng tiyan o sa shape po ng mommy and gender ni baby. Iba iba po magbuntis ang mga babae. Mas maganda magpa-ultrasound para malaman ang gender ni baby.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Up. Pag may nangbash pa rito kesyo magsasabi, "wala naman masamang magtanong, edi wag mo sagutin" ewan ko na lang hahahaha