Baby Food 9 months baby

Hi mommies! Seeking some advice. Questions: 1. Masama ba sa baby ang may salt and sugar sa food? 2. Ano ba ang mas recommended pure mashed vegetables and meats with rice or cerelac and gerber? I have 9 months baby po kasi and nakain na siya ng solid food and ebf siya sakin. Ngayon, nakakainis lang minsan yung mga unsolicited advices. Na kesyo "Ang payat ng anak mo, pakainin mo naman", "Lagyan mo na ng salt or sugar yang food ni baby para magkalasa", "Pakainin mo na ng cerelac yan or gerber para mas tumaba", "I-mix feed mo na yan or iformula milk mo na yang anak mo para tumaba taba", "msyado kayong by the book / masyado niyong sinusunod sinasabi ng pedia dati naman okay kahit ano ipakain sa bata", etc. Take note. Payat si baby pero nasa tama ang timbang niya. Hindi siya sobrang bigat. Hindi siya sobrang payat. Nagkakaron lang ng comparison kasi yung mga pinsan niya ang tataba siya lang hindi.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy, as long as within normal weight si baby, its ok. im grateful na hindi nagbibigay ng negative comment ang family namin. kung may magbigay man ng comment, hindi ako maapektuhan since i know what is good for my baby. payat ang baby ko, nasa lower side ang weight ng baby ko pero within normal. also, mataas ang height nia according sa kanyang age. so pataas ang laki nia, instead of palapad. and as long as well and good si baby, as per our pedia, we are not worried. we decided to mixed feed si baby at 2 months dahil hindi sia maka-weight gain dahil kulang sa calories ang breastmilk ko, as per my lactation consultant/pedia. so, nung nagmixed feed na sia, bumilis ang weight gain nia. we give mashed veggies, gerber, cerelac. as per pedia, pwede magcerelac pero hindi lagi para masanay sa fresh food.

Magbasa pa
6d ago

Ganyan din sabi ng pedia namin. pahaba siya hindi palapad. Ngayon naman tinatry ko na imix feed siya.