Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Baby Food 9 months baby
Hi mommies! Seeking some advice. Questions: 1. Masama ba sa baby ang may salt and sugar sa food? 2. Ano ba ang mas recommended pure mashed vegetables and meats with rice or cerelac and gerber? I have 9 months baby po kasi and nakain na siya ng solid food and ebf siya sakin. Ngayon, nakakainis lang minsan yung mga unsolicited advices. Na kesyo "Ang payat ng anak mo, pakainin mo naman", "Lagyan mo na ng salt or sugar yang food ni baby para magkalasa", "Pakainin mo na ng cerelac yan or gerber para mas tumaba", "I-mix feed mo na yan or iformula milk mo na yang anak mo para tumaba taba", "msyado kayong by the book / masyado niyong sinusunod sinasabi ng pedia dati naman okay kahit ano ipakain sa bata", etc. Take note. Payat si baby pero nasa tama ang timbang niya. Hindi siya sobrang bigat. Hindi siya sobrang payat. Nagkakaron lang ng comparison kasi yung mga pinsan niya ang tataba siya lang hindi.
Solid Foods @ 6 months
Hi mommies. EBF po si baby at nung nag6 months siya pinakain ko na siya ng puree. Ngayon hirap siya magpoop ano po kaya pwede gawin?
Help! Sleep Regression
Hi mommies! I need help. Sino po nakaexperience dito ng sleep regression during 4th month ni baby turning ika 5th month. Ano po ginawa niyo? Need help please. #Sleepregression #babysleep #baby4th
Tongue and Gum Cleaning
Hi mommies, ask lang po pwede ko na po bang linisin ang dila at gums ni baby? 20 days old palang po siya. Tska ano po pwede gamitin? Pwede po ba ko gumamit ng mga baby tongue cleaner? Thanks
Normal Delivery Tips
Hi mommies, I'm 25 weeks pregnant sa 2nd daughter ko. Sobrang selan ko ngayon magbuntis compared sa first daughter ko. Laging nasakit ang puson ko at balakang. Nainom din ako ng pampakapit. Ilang months na kong nakabed rest or pahinga talaga sa bahay at bihira lang lumabas. Though nakilos naman ako sa bahay. Household chores pero light lang talaga, dahil sobrang concern din ni hubby kasi nga maselan ako magbuntis. Ngayon nagspotting ako nung Dec. 25, lalo tuloy ako pinagbed rest, as in bed rest, todo bantay si hubby sakin at ayaw niya ko pakilusin. Ako naman, as mommy na syempre di din natin maiwasan gumalaw galaw talaga lalo na't may anak kami at ayoko din naman lagi nakahiga. Any tips para maging normal ung delivery ko? Kelan ako magstart maglakad lakad at exercise??
Hi mommies
I'm 24 weeks pregnant sa 2nd baby ko. Pwede ako magpalit ng OB?
SSS Maternity Benefits
Hi mommies, ask ko lang po kung makakapagavail pa po ba ko ng maternity benefits. Last hulog ko po sa SSS ay 2019 pa po. Since then di na po ako nakakapaghulog.
Maselan pagbubuntis Tips
Hi mommies, I am 20 weeks pregnant and sobrang maselan ako magbuntis, yung tipong konting lakad lang nananakit na yung balakang at puson ko kaya pinapainom ako ni OB ng pampakapit. This is my 2nd pregnancy BTW, yung 1st ko naman is hindi maselan kahit na makipagbalyahan pa ko sa bus or sa jeep wapake kasi kaya ko naman. Ngayon lang talaga na kahit magpapacheck up lang kami or babyahe kami kasama family na di naman kalayuan e nasakit talaga ang balakang at puson. Ang winoworry ko ngayon pano kaya yung delivery ng baby ko nito. Gustong gusto kasi talaga magnormal delivery kahit anong mangyari push ako sa normal delivery kaso simpleng lakad or exercise di ako pwede. Any tips na marerecommend nio? Especially sa mga mommies na katulad ko na maselan din.
Green Card Las Pinas
Hi mommies, tanong ko lang pano po process ng renewal ng green card sa las pinas? Meron po ba dito nakapagtry na magrenew. 2018 po yung green card ko di na po narenew. Same lang po ba nung sa post nila sa fb? Or need po talaga magpacheck up sa lying ng las pinas para po mabigyan ng pink daw na slip? Maselan po kasi pag bubuntis ko kaya hirap magpunta punta or magpacheck up sa ibat iba. May ob naman na po ako sa LPDH pero need po ba ng may check up pa sa lying in para lang marenew?
Beef Liver
Okay lang ba kumain ng beef liver ang buntis? 13 weeks pregnant po.