Can't feel anything

Mommies, question po. ☹️ 5 days nalang, 5 months na si baby. Pero wala pa rin sipa or yung tinatawag po nila na bubbles. Kahit pitik wala po talaga and I'm worried na baka hindi siya nag-g-grow sa loob ko. Yung tyan ko po may improvement naman sa paglaki kaso kapag nag t-shirt ako ng medyo maluwag, hindi pa rin visible. Another question po. September 25 po yung binigay na due date ni OB sakin pero ang nakalagay sa ultrasound sakin is October 19. Hindi pa po kasi kami nakakabalik sa OB after ng ultrasound kasi sumakto na wala ng clinic at lockdown na kaya hindi pa rin po nakikita ni OB yung ultrasound ko. Alin po ba sa dalawa yung dapat kong sundin? (5 months po tyan ko in 5 days if yung October 19 po yung sinusunod kong due) ❗️ Hello po sa mga mommies na makakabasa neto as of August 28, 2020. I'm not sure bakit na up pa yung post ko pero matagal na po 'to. Hehe, I'm already at my 33rd week of pregnancy po. Due is on October 15, & it's a babygirl. 🥰❤️

Can't feel anything
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ftm ako sa panganay ko naramdamn ko na agad e 3months palang pitik pitik then bubbles movement lagi ko kasi sya kinakausap, twing dadaan kami sa church sina sign of the cross ko din sya 😊 nakakatuwa nung nasa 7-9 grabe ang sasakit ng sipa 😇🥰

VIP Member

Kung ftm medyo late po talaga mararamdaman ang movements. As for the size of baby bump may women talaga na maliit magbuntis 😊 lmp po talaga usually sinusunod na edd baka lang din po maliit si baby kaya may discrepancy

saking ang lakas sumipa ni baby. feeling 7 months kahit 5 pa lang.😂 pero bakit po october ang due date kung mag 5 months pa lang? 5months na yung akin pero december pa ang due date.

4y ago

Hello po. Matagal na po 'tong post ko. Hehe. 33 weeks pregnant na po ako ngayon. 😊

VIP Member

Ftm here, 5mos dipa masyado ramdam si baby. Pero ngayong 7mos mami, ramdam ramdam komlna talaga. Sa due date, kelan po lmp mo? at base sa first ultrasound mo anong nakalagay na duedate mo?

8mos po tlga nag start ng count ng kick.. pag 6mos naman po may mga pitik ka ng mararamdaman. pakinggan m lage heartbeat nya sa may pusod mo pra d ka mag alala.. ingat lage.

baka kasi anterior placenta ka momsh.. ung nasa gitna ng baby at skin mo ang placenta kaya di mo masyado ramdam. ako LMP ko oct. 19 pero sa ultrasound nov. 13..

4y ago

opo ganun sya. ako nramdaman ko si baby mg 6 months na sya at ngayon anlikot na. marramdaman mo din sya momsh. lilikot din yan at ikaw na mismo mgssabi sa knya mmaya nman ulet.

ganyan din aq sis. . .ibah ung EDD q sa ultz taz sa EDD q sah OB q. . .maliit kc q mag buntis. . .ibased muh ung last period muh

ako 16w ramdam kona yung pitik sa puson ko, ngayon 18w nako mas malakas na yung nararamdaman ko minsan parang umaalon pa nga😄

September Or October po duedate nyo? Edi dapat po nagprepared napo kayo non kase 7mos. napo ang bb mo

4y ago

Hi! Matagal na po 'tong post ko. Idk bakit na up pa siya. Hehe 33 weeks pregnant na po ako ngayon. 😊

Baby ko napakalikot parabuyag tuwing matutulog ako sa gabi after taking milk yan napakaactive nya 🥰😇