ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies

nakakaiyak, 11-11 din ako nanganak, EATHAN din dun ng anak ko, C's din ako, EATHAN din name ng anak ko, sa fabella hospital all na nganak, I'm so blessed full term si baby, pag puntanko sa lying in nakaka shochednbpnko Indi nababa 200/100 sinabihan ako na ipoporward sa fabella so pinotward ako sakay ng ambulance, oag dating dating fabella,super asikaso Nila ako Wala ako masabi, Ang bait ni Lord THANK YOU Donna Martha lying and fabella!

Hala! Baby ko 33 weeks and 5days lang cya nong nailabas ko ilang hospital din pinuntahan namin makahanap lang ng may incubator na hospital and thanks god nakahanap kami pero dina na incubate baby ko normal cya ng nailabas ko. Sana magiging ok baby mo po hayaan yan mga bayarin, sakin nga 500k eh sa private hospital pero nagpalipat ako public malolos hospital unti lang nagasto namin at wala kaming bill dahil sa philhealth ko.

Ang laki ng budget ng gobyerno sana mapagtuunan ng pansin ung ganitong sitwasyon sana lahat ng public hospital mabigyan ng incubator. Ang hirap ng ganyan..buhay ang hinahabol tapos pag dating dun sasabihin walang incubator buti sana kung magkakatabi lang mga hospital na matatakbuhan e kaso kilo kilometro pa ang layo.. nakakalungkot talaga.. Prayed for the recovery of your baby.. God bless..

Tama po. Nakakalungkot tlaga na ganito yung govt. service. . .Imbes na sila una makakatulong.

Praying for your baby's health and fast recovery... tiwala lang kay God.. yung kaybigan ko 32 weeks lang baby nya naka survive nailabas nila at 36 weeks sa NICU, mag stock nalang po kayo ng breastmilk nkaka help mag boost ng immune system at health ng baby... kausap kausapin nyo nalang po sya kapag ikangaroo care nyo para lumaban si baby... ❤️

Get well soon baby 🙏🏻 ganyan din po nangyare sa akin nilagyan din po ng tubo ung baby ko para makahelp sa kanyang paghinga iyak ako ng iyak nun 2 weeks sya nasa NICU halos 200k binayaran ko ayun sa awa ng Diyos nakauwi na baby ko at ngaun mag 1 month na sya sa Nov. 8 mabait ang Diyos pray lang po 😭

Mommie dont worry po sa bill, pwd po kayo lumapit sa malacañang at mga senador (mabilis na po process nila kesa dati, need lang po talaga ung masipag mag lakad ng mga papers) ganyan po kasi ginawa ng kakilala ko umabot pa po ung bill ng 500k pero wala po sila binayaran puro voucher lang po. God bless po .

Sa mga senator po, pero tanda ko po kay bong go, pacquio Mabilis po process

I feel you mommy... I've been through that this Oct lang. Alam ko n mahirap but may u find comfort in knowing na madami kami n nagdarasal for u and baby. God is good, He is able, He will provide! Believe that God will make things beautiful in His time. In Jesus name! In Jesus name! In Jesus name! Amen!!!

VIP Member

Mommy kapit lang kay Lord..God is a listening God..He hears your cry..lalakas si baby..makakasurvive siya.And I pray that God will provide your financial needs..in Jesus name..Magiging ok si baby.in Jesus name💖pwd ko ba malaman name ni baby para mabanggit ko siya sa prayer ko?.God bless you

Salamat po sa inyo.

Lord please wag Nyo po pababayaan si baby at ang mommy nya at ang family na makayanan lahat ng ito At magkaron pa ng lakas At mag tiwala Sayo ng walang pag alinlangan panginoon na gagaling si baby in Jesus name🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Amen amen amen lord!.

Prayer for your baby momsh. Pareho tau ng sitwasyon. 1 week old na din baby q sa nicu. I delivered her vis emergency cs din. Praying na lumakas na ang baby q para makasama q na sya at maalagaan na. Nakalabas na aq hospital nasa nicu pa baby q.

Same pala tayo mommy. Si God nalang pag asa talaga.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles