ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'll pray po for the complete recovery of your baby pati na din sa financial problem nyo po. God bless you po. Pray lang po tayo ng pray. Wag po tayo magsawang humingi po ng tulong kay God. Share ko na rin po experience ko po, preemie din po baby ko. Nailabas ko po siya at 32 weeks. At 29 weeks pa lang po, lumabas na po amniotic fluid ko po, naospital po ako. Advice po sa akin ng OB (pinauwi nya po kasi ako after 3days kasi nagstop nmn po ang paglabas ng amniotic fluid tsaka close pa cervix) is bedrest until 34 weeks kasi daw pag34 weeks mas malaki daw po chance makasurvive si baby, mas mature n po daw kasi ang lungs. Pero parang di na po kasi makapaghintay baby ko na lumabas, at 32 weeks nailabas ko po xa normal delivery po. Nagstay po sya ng mga 3 weeks s NICU and mga 1 week po sa private room. Ngayon po 2 months na po xa, lahat po ng pinatest ng pedia sa kanya maganda po result at nasa bahay na po xa ngayon. Huwag na huwag po tayo mawalan ng pagasa mommy. Kung si baby po sa loob ng NICU ay lumalaban, fight2x din po tayo mommy. Aja!

Magbasa pa