ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yan po ang hirap pag lying in mamsh :((. Sana maiuwi mo na si baby :(. Ilang oras si baby sa tyan mo ng wala ng tubig. Umabot pa ng kinabukasan. Buti at narevive sya. Buti nalang ako naagapan kase di ko alam na pumutok na pala panubigan ko, eh buti nalang may check up ako kaya nalaman na pumutok na pala panubigan ko at pinadiretso na kami sa OR kase baka di makahinga si baby dahil wala ng tubig. Cs din ako mamsh at 5 hrs ata akong nag antay kase yung ob ko may tinatapos pang mga pasyente kaya nag aantay lang ako at gusto ko na din ilabas si baby dahil wala na ngang tubig. Buti nalang okay ang baby ko at nagulat din ob ko kase cord coil na sya pero buti cs ako. Pray lang mamsh di naman tayo papabayaan ni Lord. Maiuuwi mo din si baby mo 💖.

Magbasa pa