Mom rage please help

Hi mommies, please help. Hindi ako sigurado if this is post partum, nursing aversion or may iba pang reason. Meron akong almost 2 years old and 4 months old baby. Doing tandem feeding. Lately ang dami kong stress mental emotional physical. Sobra yung aversion ko sa toddler ko sobra to the point na gigil akong parang gusto ko syang saktan. Lagi ko din syang napapalo pag sobrang kulit. Dalawa silang inaalagaan ko. Hindi ko alam kung pano ko icontrol yung sarili ko. Nasasaktan ko ng madalas si toddler. Parang kelangan ko ng tulong. Hindi ko na alam kung pano ko sila aalagaan ng sabay. #pleasehelp

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Been there Mommy. Nung time na ganyan ako, nasisigawan ko yung anak kong 6mos old pero after non naguguilty ako. Kaya nag pray ako na bigyan ako ng strength and wisdom. Kailangan natin lumevel sa age nila, hndi dapat sila ang lumevel satin. Wala pa silang alam sa buhay, sa mundo. Tsaka yung toddler mo, nature nila ang pagging makulit. Iwasan natin saktan ang anak natin baka mamaya pag nagtagal hndi na natin maalis ang pananakit sa kanila. At baka maging cause pa ng pagrerebelde. I know Mommy mahirap pero baka need nyo issurender lahat ng worries nyo kay God. Tutulungan ka Niya. Just trust Him and have faith.

Magbasa pa