✕

35 Replies

Ako sinabi ko agad sa parents ko nung na-confirmed namin ng boyfriend ko na preggy ako. Pag mas matagal mo kasi tinago, mas mahihirapan ka magsabi. And habang di mo sinasabi, mas na-sstress ka lang. Bawal ma-stress ang buntis. Parents naman sila, maiintindihan nila for sure. Trust me, matatanggap nila yan. Matutulungan ka din ng mama mo sa pagbubuntis mo since naranasan na nya yun. Everything will be okay. 🙂

me, im 22years old momsh, 23weeks na si bebe sa tummy ko hehe umamin ako sa chat akala ko magagalit sakin mommy ko pero ang sabi nya may kutob na daw sya kasi di daw ako nagmemens hahaha 4years na din naman kasi kami ng partner ko, and mula college support naman si mommy sa relationship namin tsaka tapos na din naman daw kami sa pag aaral kaya siguro madali nilang naaccept 😅

VIP Member

Tiwala lang po at lakas ng loob. Ganyan din po ako kaso 27 y/o ako nung nabuntis ako. Nagalit mama ko syempre. Gusto kasi siya na tumulad ako sa kanya na magpakasal muna bago magkaanak. Alam mo naman ang mga matatanda. Sa una lang naman sila magagalit eventually mapapatawad ka rin nila at sure ako na mas excited pa sila kesa sayo na lumabas si baby.

Ako din 22 nako. Pero the day nalaman kong buntis ako sinabi ko agad sa kuya ko since mejo close kami. Tapos kinabukasan nagtext ako sa mama ko buntis ako. Wala naman syang react puro lang sya payo sakin. Nahirapan lang ako sabihin sa mga kamaganak ko kuya ko pa nagsabi pero atlis ok nalaman agad nila. Now 31 weeks nako turning 32wk😊

Mataas expectations,lahat naman ganun. Kasi gusto ng mga magulang natin ang the best para sa atin. And having a baby doesnt mean youve failed them. Always remember that. Sabihin mo sa parents mo. Oo,pwedeng magulat sila sa una,pero sa una lang yan. Pakita mo sa kanila na kaya mo,na strong ka. They will be proud of you. 🙂

maiintindihan ka nila, expect na magagalit may masasabing di maganda pero face it since may kasalanan ka rin naman. mas mabuti na sabihin mo habang maaga kesa sa iba pa nila malaman at mas masasaktan lang sila pag pinatagal mo pa. pray ka muna bago mo sabihin, magiging maayos din ang lahat. 😊

Hala naka relate ako! I am now 40 yrs. Old with a 17,14,and a newborn baby. But relate ako sayo when I am carrying my firstborn, I was 22 and working but it was hard to tell to my parents that I was pregnant sila na lang ang naka pansin sa tiyan ko. Only child din ako.

Ako 5mos na ng malaman. Malalaman at malalaman ng mother mo yan lalo na kung sa knya ka nakatira. Yes masakit makita madisappoint sila lalo na kung super laki ng expectation from you but as time goes by marrealize din nila yan na mag kkanew member na ng family.

Same case sis. Lalo na't kakapasa ko lang ng board exam last year kaya feeling ko they expect more pero yun nga, have courage para sabihin na ASAP. Promise para kang nabunutan ng tinik pag nasabi mo. Naiyak pa nga ako nun kasi finally nasabi na namin ni bf ko.

We're on the same boat Mamsh, 12 weeks preggy ako turning 23y/o this June. 😊 Hindi ko pa din nasasabi na buntis ako sa parents ko dahil sa lockdown di ako makauwe 😔 which is better kaya? Sabihin ko na kahit malayo ako or sa personal nalang? 🤔

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles