sama ng loob

mommies palabas lang po ng sama ng loob .. kasi po mag 5months na po yung tummy ko .. sabe ko po kay lip kanina kung kelan nia balak mamili ng gamet namen ni baby .. sagot nia saken kala ko ba pag ka ultrasound pa nag mamadali kananaman .. nakakainis lang po kasi di ko naman po sinasabeng bilin namen agad ng kaylangan .. pwede naman mauna muna yung mga alcohol diaper mga ganun po .. nakakainis lang din po kasi wala siang trabaho .. pinaka ganet lang po ng baby ko mga gamet ng kuya nia and mga papadalang damet saken ng mama ko para kay baby ..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat naman kasi bago pa kayo mag plano na mag anak ulit siniguro mo muna na may trabaho ang partner mo pra di kayo nag iiringan ngayon sa mga gastusin nang bagong anak nio, o dapat ikaw na nag kontrol nun na di muna mabuntis kasi pareho kayong wala trabaho at umaasa lang sa magulang nia. Dmo rin sia masisisi kasi nga wala na nga trabaho tas uungutan mo pambili nang stuffs nang anak nio. Marami naman ways para di agad mabuntis lalo kung dpa naman kayo stable pareho, wala kang ibang sisisihan nian kundi sarili mo, kaya wala kang choice kundi unawain sia, anong alam nang lalaki siempre pasak lang ng pasak yan ikaw na sana na babae ang nag kontrol, anyways nandiyan nayan eh siguro palampasin mo nalang at ungutan mo nalang ulit nang mga gastusin pag alam mong maganda nalang ang mood nia, kung dmo matagalan yung ganyang setup nio edi ikaw nalang gumawa nang paraan kung paano kayo mag kakaron nang extra income hindi yung do lang ang iniisip nio kada gabi.

Magbasa pa
6y ago

Hindi ko sia sinisisi, sinasabi ko lang kung ano talaga ang reyalidad nang buhay base sa kwento nia, minsan hindi maganda na comfort comfort lang though hindi ko naman sinasabi na mgpka rude ka, ang point ko lang dito kelangan nating mamulat sa katotohanan, anyways kung yan ang outlook mo sa opinion ko sa Tao ok lang din, opinion mo yan eh. 🙂

Hi mumsh i understand you nakakaexcite naman kasi talaga bumli ng mga gamit para kay baby pero for now sa situation nyo hindi muna, pero sana naintndhan din ng asawa mo yung gusto mo ipaalam sakanya hindi yung sasagutin ka ng pabalang lalo na alam nya na buntis ka nasa emotional stage tayo pde naman nya ipaliwanag ng maayos lahat naman nadadaan sa maayos na usapan para iwas sa sama ng loob.. Ang problema naman kasi talaga yung asawa mo kaya naman nya siguro magtrabaho kaso hindi nya ginagawa kasi nakaasa parin sya sa magulang nya hindi naman lagi araw araw pasko dapat magpursigi sya lalo na dalawa na anak nyo.. Hindi ka naman pde magwork kasi may complication ka at di biro ang magbuntis kaya dapat sya gumagawa ng paraan.. Pray lang mumsh at wag masydo mastressed nakakasama kay baby yan lalo na mababa matres mo.

Magbasa pa

may anak na po kayo tapos parehas po kayo wala work? kahit anong ginhawa pa ng magulang nyo, dadating ang time matitigil or mapapagod din sila mgsupport sa inyong pamilya, pag nangyare un pare-pareho kayo mas mahihirapan..sorry po, pero sana di na muna kayo ngAnak ulit kung ganyan po sitwasyon nyo..kahit ano pang rason, sana naging mas responsable muna po kayo parehas..kung ayaw mgbanat ng buto ng asawa mo, sana ikaw nalang po ngwork at sya nagAlaga ng panganay nyo...maaga din po ko ngAsawa, 21, pero bumukod kami agad at kinaya buhayin anak nmin kahit madalas natatanggal sa trabaho asawa ko..kung hndi po kaya ng partner nyo, ikaw na po sana mismo gumawa ng paraan or kung ako siguro sa lugar mo, matagal ko n iniwan partner mo

Magbasa pa
6y ago

hindi naman po talaga kame nag sasama date .. tinago ko po sakanya 1st baby ko dahil sabe nia saken pag di ako sumama sakanya anak ko kukunin nia .. tapos nag ka problema na kaya eto nag sasama na kame .. nakikisama ako dahil sa mga anak ko .. may work po ako bago ko malaman buntis ako kaso mababa po matres ko kaya pinatigil po ako mag trabaho . sia naman po madaming plano kaso tamad mag hanap ng trabaho .. sa totoo lang po may idad na sia pero kung sa utak lang mas matanda pa ho ako mag isip sakanya 22 lang po ako sia po mag 40 na ata

Okay lang yan mommy. Lahat ng sama ng loob ilabas mo. Bawal ma stress and if airing your sama ng loob will help go ahead. Love, love! You still have plenty of time to buy the stuff you need for your baby. Don't pressure yourself too much! Be positive always. Just try to understand your partner because we are here to also understand you.😉😊Lahat ng problema or issues may solusyon. Find ways and as I have said be positive. Always look at the bright side. In any situation nagsasama palagi ang negative at positive so focus sa positive. Ang kawalan mo ngayon ay hindi ibig sabihin end of the world na. Ang situation mo ay isang napakagandang challenge na I know kayangkaya mo. So don't fret. You have a miracle inside you.

Magbasa pa

Hi mommy, wag po kayong mainis. Baka siguro wala pa pera yung partner nyo kaya di pa sya maka-go sayo na bumili ng gamit. 5 months pa lang naman po tyan nyo, marami pa kayo time. Kami rin po ng asawa ko 8 months na yung tyan ko nung bumili ng mga damit. Di naman po mahalaga na bumili ng marami gamit kasi mabilis lang lalaki ang baby. Kung may choice nga po ako na mahingian ng pinaglumaan di na ko bibili kasi baby pa naman. Wag po sumama loob nyo sa ganun mommy, nakakasama din po kay baby pag stressed kayo.

Magbasa pa
6y ago

hindi kayo mabubuhay kung palaging ganyan ang gusto nyang mangyari. Sbhin mo sknya sis matanda na sya he should know his priority. Di yung naasa lang sya sa parents nya. No offense sis ha kasi nakaka baba ng self steem yung ganyan lalo na kung papatagalin nya pang wala syang work. Pag usapan nyo na lang sis maigi. Yes yung mga gamit ni baby pde nmn yan pag 8 mos na hehe wag kana mainis. Usap lang kayong dlawa.

Naintindihan ko naman po kayo mommy. Mahirap po na walang work kahit isa sa inyo. Di naman po forever masusupport kayo ng parents nya. Sana po marealize ng live in partner nyo yun. Anyway mommy, wag ka na mastress about dyan. Stay healthy na lang and happy para kay baby. ❤

Naprepressure lang siguro hubby mo ☺️ Ako 7 months. Di pa kumpleto gamit ni baby. Pero sa internet may nabibili 500 lang may 9 na barubaruan na at 3 pajama at 3 bigkis at 3set na may tagiisang bonet yung gloves sa kamay at paa

6y ago

sa ganon po walang problema dahil natabe ko namam po mga napag liitan ni baby ko .. ang sinasabe ko po kasi sakànya katulad ng mga alcohol mga ganun po ..

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-129173)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-129173)

Yung mga alcohol etc. Sa huli nman binibili yon. Kapag malapit na po manganak. Ang importanteng meron mga things like crib, pangligo, bottles. Mga pang new born na damit. Yun po muna.