Delivery Experience
To all mommies out there na buntis o malapit na pong manganak. i want you to be aware of the experience i had during my delivery way back August 30, 2019.. I experienced it on my 3rd baby. my 1st 2 babies wala pong naging problema sa delivery all was well. Sa 3rd pregnancy ko po i had with the same OB sa dalawa ko monthly check up and everything sa kanya po but then nanalo siya ng election as Mayor so limited na po ung time niya for check up at need na talaga ng schedule for her everytime. So i decided na lumipat ng OB kasi sabi niya po na for CS and weekends lang siya available coz of her limited time. nung malapit na akong manganak i have chose an OB pero sabi ng OB ko ok lang daw naman tatawagan nalang niya kung maglalabor na ako. To make the story short po naglalabor na po ako i called my OB and tinawagan na niya ang OB for me pero hindi daw pwede kasi marami siyang patient na naglalabor and i chose another OB at nag oK naman at pinili ko pa ang hospital dito sa amin na pinaka ayaw ko dahil dun lang siya affialiated (this OB has her own lying in pero ayoko dahil nanatakot ako manganak na hindi ospital dahil im already 37). nung nasa hospital na po ako the ER on duty was 1 nurse and a resident doctor (twas evening around 8pm) i decided na mgpa admit na ako kasi feeling ko manganganak na ako kasi madali lang ako mglabor. so IE muna ako ng resident doctor 4cm, sabi niya po "ayy, maam hindi ka pa po manganganak baka mga 2 days pa uwi po muna kayo, so i decided to go home buti nalang ung bahay ng parents ko likod lang ng hospital, around 11:30pm ayan na hindi na tumitigil ang sakit (nasa bahay pa po ako nun) tas nung interval na talaga ang sakit nagpadala na po ako uli sa hospital sabi ko sa mama ko manganganak na talaga ako.. pagdating namin around 12am sa ER walang tao nagsabi pa kami sa guard na manganganak na ako, at dumating ung nurse and doctor na mukhang galing sa tulog.. IE ulit at 6cm sabi pa ulit ng resident doctor hindi kapa manganganak dahil 6cm plang baka bukas pa uwi nlang ulit. But that time i already insisted dahil hindi ko na tlaga kaya ang sakit. tapos tanong pa ng resident doctor bakit daw masakit eh 6cm plang nagtaray na ako "aba malay ko ba ikaw ang doctor ako tatanungin mo.๐) buti nalang friend ko ung nurse sabi ko kahit anung room basta hindi na ako uuwi! so nilagay kami sa mainit na ward buti nlang wlang ibang pasyente. Papuntang room hindi na po ako makalakad dahil sa sakit kaya wheelchair na po pero the resident doctor insisted na hindi pa ako manganganak so bigla siyang nawala. during sa room minutes lang po unbearable na ung sakit. sabi ko sa mama ko ma punta ka sa nurse' station sabihin mo dko na kaya ang sakit tawagan na ung OB. after a few minutes dumating ung nurse iniorasan ung sakit after bumalik sa station. tapos pinatawag ko uli ung nurse sa mama ko,2 ung dumating inorasan uli ung sakit. sabi ko naiihi na ako *ut*ng ina nyo isang ere ko lang lalabas na ang bata pag hindi niyo pinapunta ung resident doctor para mag IE lagot kayo sakin. dun lang nagpunta ung doctor at pag ka IE nagulat siya ulo na niya ang nakapa. dun lang nagpanic ung doctor tawagan mo ung OB iready ang delivery room tapos sabi niya "misis wag ka muna iere ha walang sasalo sa anak mo baka mahulog.๐) Mga almost 30 minutes ko po pinigilan umere dahil busy sila pagprepare ng gamit sa Delivery. At pagdating po ng OB isang ere lang po lumabas na si baby. Paglabas niya po cord coil daw dahil sa tagal ng pinigilan lumabas at pinump pa yan nila dahil hindi daw agad umiyak. i admit meron din po akong kasalanan on my part dahil hindi agad ako nakalipat ng OB pero ung hindi magandang pagtrato ng mga on duty sa hospital na parang walang pambayad ay parang hindi makatarungan. Ito po ay nakakalungkot na realidad na mga scenario sa ibang mga hospitals. ngayon po ok na ok at healthy po ung baby ko 1yr and 5mo. na po siya. and i am thankful sa tulong ni Lord nalampasan namin ung trial na yon and always dapat ibreastfeed si baby kasi parang my natural healing.๐๐#pregnancy #3rdbaby #cordcoil