Pagbukod

Hi mommies out there .. mahirap ba nakabukod? Matagal ko na gusto bumukod ayoko kasi makisama sa family ko or sa family ng husband ko, okay lang naman kaso as a housewife ang hirap hirap makisama I have 2year old son and 32weeks pregnant. Enlighten me moms kung tama ba na nakabukod kame.

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pinaka magandang decision na gagawin mo yung mag sarili kayong mag asawa together with the kids lalo na ngayon nag eextend na family mo. Mas mafifeel mo pagiging parent kapag namumuhay kayo na kayo lang. Mas matututo ka mag budget, mas iba sa pakiramdam kapag ikaw mismo nagiging hands on sa lahat and alam mong wala kang iintindihin na sasabihin ng iba. Mas lalo rin kayong magiging open ni hubby mo financially, emotionally and kapag Me and You time na.😊

Magbasa pa