66 Replies

Dapat umpisa pa lang bumukod na kayo. Mas mahirap makisama kesa bumukod hahaha. Pag nakabukod ka, oras mo susundin mo, kahit di mo agad maasikaso linisin sa bahay ok lang walang magagalit, makakafocus ka sa anak mo. Pero pag nasa bahay ka ng inlaws mo kailangan mo kumilos at makisama. Di ka pwedeng gumising kung kelan mo gusto. Di pwedeng papatay patay ka hahaha. At kahit gaano ka makisama may masasabi at masasabi yan sila. Normal na un sa namimiyenan. Bibihira ang di nangingialam

VIP Member

Pinaka magandang decision na gagawin mo yung mag sarili kayong mag asawa together with the kids lalo na ngayon nag eextend na family mo. Mas mafifeel mo pagiging parent kapag namumuhay kayo na kayo lang. Mas matututo ka mag budget, mas iba sa pakiramdam kapag ikaw mismo nagiging hands on sa lahat and alam mong wala kang iintindihin na sasabihin ng iba. Mas lalo rin kayong magiging open ni hubby mo financially, emotionally and kapag Me and You time na.😊

Mas ok bumukod momsh. Kmi ng husband q bukod din as in kami lang nag rent kami ng house. Mas magging ma alam kau sa real life qng baga. Ung mga gastusin and budget. May 3 yrs old din aq at 35 weeks preggy. After 2 months bka bumalik naq sa bpo na pasok sa sched namin mag asawa pra shifting din kmi sa mga bata. Mahirap pero walang sakit ng ulo. Walang pakikisamahan at mas peaceful ang buhay.

Ganun dn aq sis gustong gusto kuna bumukod.. Pero nung nanganak aq which is 2mos plng c baby..naisp ko na mahirp dn pla halimbawa at nkbukod na tpus nasa work c hubby then wlanlng mapakisuyuan..o mag hawak mnlng kay lo kpag ihing ihi kna tpus nagiiyk c lo..ako kc nsa bahay prin ng byanan oo mhirp tlga mkisama pero maiisip mo na oo nga need mo rin sila.. Muna habang maliit pa c lo

Yes mommy. Kung kaya ng budget, why not? Diba? Para saan pa 'ung practicality kung hindi naman healthy 'ung environment. Hindi healthy kasi madami kang kelangan pakisamahan. Stressful ang buhay mag-asawa at lalo na kung may anak pa kayo and the least you want is, unsolicited opinions especially from your in-laws.

Yes po pero sa first few years lang. Ang mahirap lang po sa pagbukod is bibili kayo lahat ng sariling gamit sa bahay. Mgastos po super pero kami paunti unti nakaipon kami mga gamit. Masarap yung nakabukod tahimik kayo walang nakikielam, napapalaki m ng maayos mga bata. Mas ok sya sis.

Laging tama bumukod mamsh. Trust me, mas magiging mapayapa pagsasama nyo mag asawa kapag nakabukod kayo. :) Mahirap sa una pero kayang kaya naman. Simulan nyo sa pagpundar ng mga gamit na kailangan talaga. Naiipon naman kasi yang gamit. Pwedeng unti unti muna. :)

Masarap po ang nakabukod. 🥰 kasi maluwag kayong nakakagalaa mag-asawa sa sarili ninyong bahay. Lalo na tayong mga babae. Mahirap sa umpisa pero lahat ng mag-asawa pagdadaanan talaga ang pagbabayad ng bills ng sarili nilang tirahan at mga dagdag gastusin.

Hindi po mahirap ang nakabukod mommy, basta nagtutulungan kayong mag-asawa 😉 Madaming challenge, lalo na dalawa lang kayo and walang katulong pero as long as may support kayo sa isa't isa, sisiw lang ang challenges 😁, and lagi po kayo mag pray 🙏

Nakabukod kami. Hindi nmn po mahirap. Mas magandang nakabukod kung kaya nyo nmn. Isang pamilya sa isang bahay para walang gulo😅 kayo lang mag asawa at mga anak mo ang magrarambulan😁 walang mangingialam dahil sarili nyong bahay🤗

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles