Opinions..
Hi mommies out there .. Gusto ko lng po marinig opinion ng iba pra may pagbasehan ng mga desisyon n ggwin ko .. Ganto po kse un, dto kmi nkatira sa bhay ng parents ko.. Ngayon may ugali si mama n ayaw n ayaw ko gnon dn ung asawa ko .. Ung kda sahod ni mister alm n alm na ni mama at parinig ng parinig n wlng gnto gnyan may mniningil buks may bbyaran mmya at kinukwento p sa kapitbhay ng kung anu ano .. Kya gusto n nmin bumukod so nghahanap n kmi ng mlilipatang bhay ... Ngayon nung sinabi ko kay mama n lilipat kmi rmdm kong msma loob nia, mbgat rn sakn kse dto ako lumaki at mlaki dn ggwin kong adjustment kung skali kse mag isa ko nlng mag aalaga ... Commnt down nmn po ng mga opininon nyo abt dto..
Hi momsh! Medyo mahirap ang lagay mu kasi hindi maganda sa pakiramdam yung ginagawa ni mommy mu lalo na kung kusa naman kayong nagbibigay ng share sa expenses 😕 Kausapin mu na lang sya na bilang may pamilya ka na, mas makabubuti para sa lahat na bumukod. Yung worry mu naman, im sure kakayanin mu din yan! At mas mararamdaman mu yung fulfillment bilang ina at asawa 😉
Magbasa paWala sigurong ibang tutulong kay mama mo ikaw lang, ikaw lang ba kasama nia sa bahay? Kinausap mo sana si mama ko na ganto lang ang pera namin. Nakatira kase kayo sa kanya kaya sa isip nia tutulong ka sa gastos sa bahay. Mas maganda bumukod nalang kayo para walang samaan ng loob, ipaintindi mo nalang na desisyon nio yon parehas ng asawa mo.
Magbasa paMahirap po talagang makitira, kaya kung ayaw nyo po na humantong pa sa away yung ayaw nyong ugali ng mama mo edi humiwalay na lang po kayo. Mahirap mag-isa, i feel you, kasi mag isa lang din ako though kasama ko mama ko until 3months ni baby kasi cs ako. Pero mas fulfilling, ang sarap na kaya mo naman palang gawin na akala mo eh di mo kaya.
Magbasa pamas okay po na bumukod kayo kasi ganun naman dapat talaga. bahay yan ng mama mo, rules nya masusunod. mahirap sa una ang bumukod pero masasanay din kayo in the long run. mas magiging close din kayo ni hubby mo kasi sa bawat desisyon, kayo na lang ang maguusap. ipaliwanag mo na lang siguro sa mama mo na gusto nyo ng tumayo sa sariling paa.
Magbasa paAko simula nung nagsama kami ng asawa ko, never kami tumira sa kanila, kahit okay naman parents nya na dun kami, ayoko lang dumating sa point na yun yung ikakasira namin as in-laws, at para narin walang sumisita na kung sino sa mga gagawin namin at malaya kami kumilos, we can do whatever we want as husband and wife😊
Magbasa paTama lng na bumukod kau kc hnd ka magkakaron ng peace of mind kng ganyan tpos my parinig pa na kng ano ano ganyan dn aq before ayoko sana umalis samin pero mas masarap tlga kumilos ng wla kng ibang iniicp pra ma trt mo din ung pakiramdam ng pagsasama nyo mas masaya kc mas magagawa nyo gsto nyo
Hi mommy, mas I bbless kayo ni Lord pag bumukod kayo ng hubby mo. Besides, mahirap makisama kahit sabihin mong nanay mo yan. Mag aaway at mag aaway kayo at some point. Hayaan mong maging man of the house ang asawa mo. Ganyan din mom ko, and I'm glad na bumukod kami dahil napaka demanding nya.
Bukod nalng sis.. Mas maganda kung naka bukod .. Makakapundar pa kayo ng sarili niyong gamit pag nakabukod kayo.. Di tulad pag nasa bahay kayo ng mga magulang niyo makakapundar nga kayo kaso matagal . ang sarap po kayng tinggan na nakakapundar kayo ng gamit sa sarili niyong bahay mismo 😊
simple lang yan. magbgay ka or atleast tumulong kayo mag asawa sa gastusin. there's no such thing as free lunch. specially babae anak nila. wag nyo na antayin magparinig magulang nyo. dapat matic yan na iaabot. kung bubukod kayo ganon din naman na gagastos kayo. so which is which. 😁😁
mas ok na bumukod nalang kayo para sa ikabubuti din ng asawa mo nahihirapan din yan hindi lang nagsasalita ..pero kung mama mo naman ayaw kayo pabukudin o masama loob kausapin mo masinsinan sabihin mo ang mga ayaw mo at dahilan kung bakt naisip nyo na bumukod nalang para malaman nya.
Momsy of 1 playful superhero