CRAVING/Chocolates

Hello mommies. Okay lang ba kumain ng kumain ng chocolate? Nahihilig kasi talaga ko ngayon sa chocolates. Dati naman hindi pa ako buntis 'di ako mahilig kasi nasakit ngipin ko konting kain ko lang ng matamis. Pero ngayon buntis nako kahit kain ako ng kain ng chocolate hindi naman nasakit ngipin ko. May stocks ako ng Flattops kasi yun pinaka Fave ko ngayon. Tapos 2packs ng Milo nilalagay ko kapag nagtitimpla ako, 3/4 lang yung water sa mug then nilalagyan ko rin ng Bearbrand na gatas ? Pero di ako naglalagay ng sugar. Biscuits ko chocolate flavor din. Mas okay na siguro na sa matatamis ako nahihilig kesa maaalat kasi may UTI ako. Kakaubos lang ng nireseta saken na gamot para sa UTI ko. Bukas balik ko sa OB ko. 13weeks preggy nako ❤ PS: Possible po ba na tumaas sugar level ko kaka-kain ko ng chocolate?

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

possible po yan na tumaas sugar level mo, sabi din ni ob pagmataas sugar level un din daw cause ng uti.hmmp🤔

VIP Member

Basta more water sis. At kung sa tingin mo di mo maiwasang di kumain ng matatamis magbawas ka ng rice. :)

VIP Member

Yes it is possible. And yung UTI hindi lang daw po sa maaalat na pagkain nakukuha kundi pati na rin sa matamis.

5y ago

Ganun? Grabe magbabawas bawas nako pati sa matatamis pala.

wag po puro chocolate lahat kainin nio or inumin ...kain din po kau ng mga healthy foods at fruits....

Yes po possible na tumaas ang sugar mo lalo na’t madalas. Pwede ka pong magka’gestational diabetes

Naku ako din minsan hndi ko maiwasang kumain ng matatamis chocolates, cake, halo2, minsan pizza 😩

VIP Member

okay lang mommy na kmain pero wag sobra.. baka tumaas sugar mo... mahrap na..

Moderation momsh. Di lang UTI kalaban natin. Pati gestational diabetes. 😁

VIP Member

Ako po nung preggy everyday ako may chocolate. Pero ok nmn si baby paglabas

VIP Member

Kumakaen ako now ng chocolate 3 days na pero normal naman oggt ko 😂