Bakit mainit ang ulo ni baby?

Mommies, normal lang po ba na mainit ang ulo ng baby kahit walang lagnat? May tanong lang po ako tungkol sa baby ko na 3 months old. Napansin ko kasi na mainit ang ulo niya kahit wala namang lagnat. Nakakabahala siya kasi wala naman siyang ibang sintomas. Ano po bang dahilan bakit mainit ang ulo ng baby ko kahit walang lagnat? Mayroon bang mga normal na dahilan o dapat ba akong mag-alala? Salamat sa mga makakasagot!

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually, natural lang na mainit ang ulo ni baby minsan kasi mas maraming blood vessels ang ulo. Kaya dapat hindi lang ulo ang i-check mo. Tingnan mo rin yung overall behavior niya. Kung masayahin at naglalaro pa rin si baby, malamang okay lang yun. Pero kung parang lethargic, hindi makakain, or iyak ng iyak, then it’s better na tawagan mo si pedia.

Magbasa pa