Bakit mainit ang ulo ni baby?

Mommies, normal lang po ba na mainit ang ulo ng baby kahit walang lagnat? May tanong lang po ako tungkol sa baby ko na 3 months old. Napansin ko kasi na mainit ang ulo niya kahit wala namang lagnat. Nakakabahala siya kasi wala naman siyang ibang sintomas. Ano po bang dahilan bakit mainit ang ulo ng baby ko kahit walang lagnat? Mayroon bang mga normal na dahilan o dapat ba akong mag-alala? Salamat sa mga makakasagot!

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ang nangyari sa baby ko. Mainit ang ulo ni baby pero ang katawan hindi, pero normal naman ang temperature niya. Ang init ng ulo niya ay mas noticeable minsan, baka dahil sa room temperature o pagkatapos ng feeding. Siguraduhin mo lang na magaan ang damit ni baby at tingnan ang iba pang sintomas. Kung kinakabahan ka pa rin, okay lang na magtanong sa pediatrician para sa peace of mind mo!

Magbasa pa