Anti Tetanus for 5months and 6months preggy
Hello Mommies! need ba talaga magbakuna ng Anti Tetanus pag 5months preggy na at pag 6months? anong side effects nun sakin at kay baby?
Anti tetanus po is para di tayo magkaron at lalo na si baby ng whooping cough. 8months na ko, ngayon lang ako nasabihan magpa turok non, hinahabol nung health center kasi late na nasabi sakin Nov. 28 ako pinapabalik ulit Dec. Kabwunan ko, nung tinurukan ako wala lang pero mabigat sa pakiramdam hanggang sa sumasakit na sya muscle cramps. 5 days na ngayon okay na pero pag nagalaw yung mismong turok masakit pa din 😂
Magbasa paKatatapos ko lang turukan niyan, Momsh. 5mos pregnant here. Mabigat sa braso tapos ang side effect sa'kin is sobrang sakit ng ulo ko 😅 pero depende yata 'yon kase 'yung iba wala naman. Next month another vaccine na naman para naman daw maiwasan ang eclampsia sabi ni OB
sa Health Center ako nagpaturok mommy.dun kasi sinabi ni OB pra daw libre..
Sakin naman bago tinurukan anti tetanus, sabi ob ko relax lang at ang ginawa niya minassage massage niya bandang pagtuturukan niya. After nun wala ako naramdam expect sa sobrang antok ko kaya sa sasakyan palang pauwi nakatulog ako, pagdating bahay tuloy ang tulog.
Wala namang sakit. As in sobrang antok lang naramdam ko after ng shot.
Yes need na pala now. Tinurukan ako kahapon pati may anti flu pa ituturok sakin aftwr 2 weeks. Sa first baby ko di naman ako ininject non same ob lang din naman. I think required na yata sya nowadays
thanks mommy
Yes need nyo yun, tetanus toxoid at flu vaccine. Para po yan sa protection nyo ni baby. Mas nasaktan ako anti-tetanus ksi mas thick yung gamot, then after 24hrs wala na yung ngalay sa braso.
Hindi nmn. Masakit, mabigat sa braso pero ok nmn. Wag mo lang hayaan mabangga o madiinan yung side kung saan tinusok for a few hours.
Ask your ob momsh. May mga ob na di na nagtuturok nun if sa private ka naman manganganak. Precaution lang naman yun para pagdating ng operation sure na di ka matetanus.
Kelangan po yan momsh para iwas infection po kayo ni baby.. mabigat talaga siya sa pakiramdam, 3 to 4 days mo mararamdaman na sobrang sakit..
yes po need nyi po ni baby yan for protection. wala naman side effect sakin pero masakit sa braso mga 3 days to 1 week dipende sa katawan mo.
Saan po ba nag papaturok ng anti tetanus? 5 months preggy po kasi ako tapos first mom din. Pwede po mag paturok kahit wala pang sinasabi ang OB ko?
mommy punta kayo Health Center.. kasi si OB ko mismo nagsabi na magpaAnti Tetanus ako sa Health Center kasi libre
Wla pong side effects un mamsh maganda un para s inyong dalawa ni bby. Mabigat nga lang sa braso pero keri lang
Hnde naman po mamsh.
Baby Skye ~ FTM