PREGNANT, IKAKASAL?
Hi mommies.. need advice.. 15weeks na ako ngayon pregnant iniisip ko kung mas better ba ikasal na kahit civil or after nalang manganak? Thank you po..
same dilemma, i want to get married pero di ako nagbabanggit sa partner ko, tho napag uusapan naman namin yon dati pa. 4 yrs higit na kami, both working... I'm a teacher so need ko talaga magpakasal esp. now preggy ako. However, nung nalaman namin na preggy ako, he mentioned to get married, kasi gusto niya pag uwi niya nalang galing ibang bansa which is 3 yrs pa, nung preggy nako, he said na okay na siguro yung kahit simple lang civil or pirmahan nga. I'm okay with everything, sa mga nakakapressure na bagay, never ako nagpilit o nangpressure, gusto ko kasi kusa lalo at mabigat yung kasal. Kaso may times na parang nakakatakot magpakasal, pano pag di ko kaya yung mga ugali niyang di nababago? Yung pagwawalang bahala sa emotions and feelings ko? Praktikal siya, yes, a good provider, masipag. Pero pagdating sa house chores, i dont have any say esp sa mga bayarin ko, di kami nagkakasundo kasi ayoko ng nakikialam sa bayarin ko kasi akin naman yon, di rin naman ako nakikialam. Ayoko kasi maging pabigat , and sometimes di niya pa ako pinapaniwalaan. I'm thinking if good ba magpakasal. Hay life.
Magbasa paFirst, If sure ka na sa baby daddy, go. Pero if magpapakasal lang kayo dahil nabuntis ka nya. Huwag. Wag ka gumaya sakin. Wag ka mapressure sa ssabihin sainyo na magpakasal ka na. Mahirap ang experience after manganak. Kung mahirap yung habang buntis, mas mahirap yung ilang months after mo manganak. Dun mo makkita tunay na ugali ng partner mo. Kasi dun masusubok yung pasensya at pagmamahal nya sayo. Kasi lahat ng changes maeexperience mo, at sya ang magaabsorb nun lahat. Let’s see if mangingibabaw ang pagmamahal nya sa yo. Idagdag mo pa ang stress, puyat at pagod sa pag aalaga kay baby. Nakakabago ng ugali ang stress at pagod. Promise. Dun mo talaga sya masusubok. Wag ka gumaya sakin na sasabihan ka na kesyo “pinakikisamahan na lang kita dahil kay baby. Di na kita mahal.” Pag nalampasan nyo yun na mahal nyo pa rin ang isat isa, saka mo sya pakasalan. Kasi mas kawawa ang bata kung lalaki sya na nagbubulyawan mga magulang nya.
Magbasa pado civil muna kung sure ka na sa mapapangasawa mo. ako nun 13weeks preggy nung kinasal kami intimate civil wedding. nung nanganak ako walang dirediretso yung pagfile ng birth cert ni baby (i mean legitimate baby sya since kinasal na kami ng daddy nya at di na need palitan since kasal na nga) suggestion ko lang naman. if after kasi manganak kayo ikakasala, yung hassle na gagaiwn nyo na papalitan ang birth cert ni baby from legitimate to illegitimate or mag very late register kayo ng ilang months since wait nyo pa ang martiage cert nyo for birth cert filing ni baby..
Magbasa paagree ako na dapat wala ka na agam agam pa sa lalaki na papakasalan mo before ka pumasok jan sa kasal. 101 percent ganon. pero kung papakasalan mo din yang lalaki pag kaanak mo, I suggest do it before ka manganak. mahirap magpaayos ng bcert ni baby. know na pirmahan man ng daddy ang bcert nya, illegitimate paren po sya at matatawag na "child out of wedlock" at the first place, bakit ka magpapabuntis sa taong d mo gusto makasama habang buhay? kung mistake, hiwalayan mo na po. sinasayang nyo lang ang oras nyo sa isat isa. dont be mad. opinion ko lang po to.
Magbasa pa7 months preggy ako nun kinasal kami, Civil lang kase mas tipid nagamit pa namin dagdag ipon yung pera. Pero 7 years naman na kami nagsama nun bago kami nagpakasal. Kung sure kana sa kanya go mi. Mas madali din mag asikaso ng mga kailangang papel sa panganganak pag kasal na bago ka manganak. Pero wag mo iconsider yun para magpakasal haha, mas okay yun sure ka na at nakikita mong magiging mabuting asawa sya sayo saka daddy sa magiging baby nyo.
Magbasa pamagkano po range ng nagastos nyo sa civil? idea lang po?
I got married when I was 6 months pregnant. Church wedding. We were planning na din kasi before nalaman namin na pregnant ako. Instead of delaying it, tinuloy na namin. The only downside is medyo mataba ako sa photos but I'm happy that I welcomed my son into a blessed marriage. :)
kami mi kasalang bayan this june ☺️ tito and tita ko kasi is part sila ng mag oorganize so inalok nila kami ng isa ko pang pinsan na may anak na na if gusto namin ako kasi preggy ng 5months now and parehas kami umoo so sabay kami ng pinsan ko ikakasal sa june ❤️
For me mas okay na ikasal kayo ngayon para paglabas ni Baby,legal na tlga sya. Okay din ang civil wedding,sabi nila mas nagtatagal daw pag sa civil kesa church(sabi nila ha🥰). Plus 15 weeks ka palang,mas onte gastos niyo ngayon,pag nanganak ka na mas malaki na gastos niyo.
if sure ka na po na worth it sya maging husband at dad eh di go kasal na. pero usually jan mo makikilala Ang tao pag nakasama mo na sa iisang bubong ng ilang taon. the baby should not be the reason na cge na lang pakasal na kaagad para lang maging legitimate si baby.
kung sure na kayo sa isat isa, pakasal na po kayo, para legitimate agad si baby sa birth certificate po, kase kung magpapakasal kayo ng after mo manganak need pa paayos ulit ung birth cert. ng bata for legitimacy