Size of baby

Mommies napapraning po ako, hindi ako makatulog sobrang nag aalala po ako sa baby sa tummy ko.. Mag 5 months preggy na po ako this week, nag pacheck up po ako sabe ni doc di daw tama yung laki ni baby para sa age niya na mag 20 weeks. Nakita ko din po na maliit si baby, yung body niya. Pero normal naman daw yung heartbeat. May same case po ba sakin dito before? Ano pong nangyare sa baby niyo? Naging okay naman po ba? Wala naman po bang naging problema? Thanks in advance po sa mga sasagot. #pleasehelp #firsttimemom #advicepls

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nong pa 2nd trimester din po ako ang sabi medyo maliit si baby para sa age niya, napagalitan pa nga ako kasi ang liit ng tyan ko rin. Ang sabi pa sa kin non sa ER na di kung di raw ba ako naaawa sa baby ko. Halos maiyak ako non sa pag aalala kaya binawi ko talaga sa pagkain, uminom ako prenatal vitamins kasama nang pagkain ng gulay at prutas. Di ako mahilig kumain nong di pa ko buntis kaya kahit minsan ayaw ko na kumain iniisip ko yong health ng baby ko. Nong bandang 3rd trimester maayos na yong laki niya. Pinag diet pa ako kasi medyo lumaki. Ayon nailabas ko naman siya nag tama yong timbang niya. 3 kilos siya nong nailabas ako. Relax ka lang momsh wag ka ma stress, normal na mag worry pag ganyan. Gawin mo best mo to take care of yourself para sa baby mo. Laban lang momsh.

Magbasa pa

Ganyan sakin sa bunso ko, ayaw ko pa nga maniwala kasi hindi naman nagbago ung kain ko mas malaki pa nga ang weight ko compared sa naunang preganancies ko, 3 OB na tumingin sakin nag du double checking sila kasi naliliitan din sa tyan ko. Niresetahan na ko amino acid for 1 month, after nun same pa din naman, sabi maliit pa din daw si baby. Nung nangank ako 2.8kg lang si baby at 40wks pa ko nun nanganak. Healthy namna sya, ngayon mag 8 months na. Maliit na bata lang talga sya

Magbasa pa
TapFluencer

iwasan ang mastress. kumain po kayo ng masustansya kasi sa mga kinakain mo, dun kumukuha si baby ng sustansya para lumaki. ang gusto lang sabihin ni OB mo ay maliit for 20weeks si baby na pwedeng unang reason nun e kulang ang kinakain mo.. try to eat more protein: meat, eggs, milk, taho/soy. pray and always open your concerns to your OB Godbless.

Magbasa pa
1y ago

Thank you po

Sa selan ko po sa pagkain at pagsusuka nung naglilihi pa ko bumaba ang hemoglabin ko. As in lahat sinusuka. Pero buti nalang po okay lang lagi si baby, okay yung hb niya. Kaya pag may appetite ka dun ka bumawi sa pagkain momsh. Kung ano po kinakain natin siya lang din naman kinakain ng mga babies natin. Makakaraos ka din po.

Magbasa pa

Ganian din po sabi sakin nung nasa 2nd tri po ako, maliit si baby, and true naman dahil maliit po yung tiyan ko, kumain lang daw po ako ng kumain. Lumabas si baby ng 3.1kgs, nag diet pa ko nung last tri na kasi lumobo ako bigla 😁 kapag sa lyin in ka po manganganak, ang usual na payo nila, sa labas mo na po palakihin si baby,

Magbasa pa

ako nung 5 months preggy maliit tyan ko maliit palang ang bump suka dn ako ng suka at di makakkain sabi naman ng OB ko normal pag first time mommy , ngayong 8 months na ako malaki na tyan ko kasi nabawi na sa pagkain at pag inom ng meds , wag po kayo ma stress lalaki dn si baby

Kain ka ng kain sis. Yung sakin naman,okay din ang hb tas sa ultrasound okay din ang size pero pag labas niya maliit sya. 2.5kg lang sya pero heto okay nman si baby. Magdagdag ka lang ng kain mo pero wag sosobrahan kase baka lumaki naman baby mo sa loob.

Sakin 8months na ako pero ung tummy ko parang ongoing 6months palang kaya laging nagugulat ibang mommy pag nakakasabayan ko sa check up, worried din ako pero iniisip ko nalang na mas madali ko sya mailalabas.

same saken mi. 1-4 mos ako halos lahat ng kakainin ko sinusuka ko, nag pa ultrasound ako nung 20 weeks ako. 273 grams lang si baby na dapat nasa 300+ mahigit na. worried din ako sobra that time 😞

1y ago

wala mi, tiniis lang lahat. 😞 ganyan daw talaga mi kapag nasa stage pa ng pag lilihi normal lang daw yun kaso sayang po at walang nakakain kaya pati ang grams ni baby apektado.

pwede poh patingin ng ultrasound nio poh mi?ung pic at saka ung interpretation ng ultra nio poh, if u dont mind thanks poh. .