MOTHER IN LAW PROBLEMS
Hello Mommies, Nakatira kami ngayon ni baby sa MIL ko kasama ang 2 kasambahay. Hindi ko alam kung yung feelings ko are valid. Simula kase nung nanganak ako, napakabihira nyang kargahin si baby. Kung di pa nga siya sasabihan ng asawa ko na icheck kami ni baby, di nya talaga sisilipin apo nya. Btw, yung husband ko is distributor and nasa byahe siya lagi. Nung una, napag usapan namin na sa bahay nalang namin muna kami mag stay or bumukod na lang eh ang kaso wala daw kasama ang mama nya. Fast forward, kahit na under recover ako due to childbirth, ni hindi nya talaga kami.masilip or makamusta man lang. May pagkakataon pa nga na kakatok lang siya ng kwarto para sabihin lang na kapag tulog si baby, asikasuhin ko mga labahin which is binilin na ng husband ko sa kasambahay. Pag dumating na si husband, may time na ako maligo at sa tuwing makikita ko siya sa sala, lagi nyang sinasabi s akin na magpalakas kase busy sila. Tapos nagsasuggest pa siya ng anu anonf antibiotic. Bakit daw kase hindi ako nagtetake edi sana magaling na ako. Pansin ko din na kada may check up kami, may bigla siyang iuutos sa husband ko kaya ang ending lagi kaming late. One time, inopen ko lahat sa husband ko. It's either sa bahay na lang kami dahil kahit papano matutulungan ako ng mga kapatid ko or magbukod na kami. Siya naman, dinadahilan nya na binibilinan naman nya mga kasambahay at hindi nya maiwan mama nya. Umiiyak ako gabi gabi kase sa totoo lang, hindi ako malaya sa kilos ko, yung mga masasakit na salita ng mama nya na. #MotherInLaw