Worried mommy
Hi mommies. Nagstart po lagnatin lo ko friday morning. Baba taas po body temp niya. Napa check-up na namin siya kahapon. Normal naman ihi at dugo niya. Sabi ng doc, viral infection lang. Worried po kami kasi hindi nawawala lagnat niya. Ngayon biglang taas ng 38.2. π Pinapainom ko po tempra drops at pinupunas punasan ng bimpo. Sabi naman po ng mother in law ko, may pilay daw sa likod. Yun daw dahilan bakit nilalagnat. Ano pa po kaya dapat gawin?π salamat po