7 Replies
Ako mommy. Kasi gusto ko malapit yung ospital kung saan affiliated ang ob ko. Kaya nung 5 months, nag pa transfer ako. Ni refer nya ako sa kaibigan nya kung san resident ob sa ospital kung san ako manganganak at malapit lang din sa tinitirhan namin at pwede lang lakarin every check up.
Yup, 3x nako nagpalit ng ob :), first ob ko sa isabela. 2nd ob sa laguna nung lumipat aq dto, then malayo kasi ung una so ,lumipat aq sa mas malapit. Tatanggapin ka naman, pero hahanapan ka ng mga records such as ultrasound results, lab test results etc. For their records.
Lumipat po ako 32weeks na ko, sa lying in kasi po ko nagpapacheck up. I decided po sa ospital para mas sure kung need emergency po since 1st baby.. Tinanggap namn po ako, dala ko lang mga previous records😊.. Ok naman din po ang package nila at mabait OB😊
Yes po. Ako ganun. Nakatatlong ob ako. 3rd trimester huli kong lipat. Basta dala mo lahat ng laboratory, ultrasound and other details kasi itatanong ng ob mo yun. Sabihin mo na lang mas malapit tsaka mura kaya ka lumipat.
Tatanggapin ka po nila basta dala lahat ng lab results, wag lang yung manganganak ka na saka ka pupunta like sa public hospital,hindi po sila tumatanggap ng manganganak na walang record sa kanila.
ako din lumipat ..ng ob wala nmn problema yun choice mo naman yun eh..
Thank you mga mommies, ❤️
Anonymous