PHILHEALTH

Mommies, magtatanung lang po. Gagamitin ko kase sa panganganak philhealth ni asawa ko, at ung philhealth ko ilang yrs ko ng hindi nahulugan. Kakakasal lang nmin nitong January, bali ipapa'change status nya, from single to married. Dapat bang ipadeactivate ko muna philhealth ko para malagay nya ako as dependent nya? Pasagot mga mii. 🙏🙏

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Need ka po mag change status sa PhilHealth para maging dependent ka. Dapat ka apelyedo mo na yung asawa mo bago ka ma dependent. Gaya ko change status agad kami last year, since hindi muna ako nag work for this pregnancy, pina dependent ko sarili ko kay hubby, need lang ideactivate yung account mo, pero kapag balik ka sa work, ma activate din naman yun ulit. Magastos na kasi kapag nag voluntary pa ako tapos need pa namin magprepare ng money to give birth so yun nalang ginawa ko, dependent na niya ako. Ang need mo is letter (content dito is name mo, philhealth number, reason why ipa deactivate mo) then, yung updating form nila, marriage contract, at birth certificate mo. Madali lang naman, I did try to access my account sa PhilHealth na access ko pa din naman. No need for you to process it pwed yung asawa mo, but sa change status dapat meron personal presence mo

Magbasa pa

Prang ganun na nga ang mangyayari mii, ganyan kasi ako, nagpa change status kami dalawa kaso nung check si philhealth ko halos 2yrs ko na hindi nbyaran, pinahuhulugan sakin 7k+.. sabi ko di ko kaya yun, kaya ang ginawa diniactivate si philhealth ko, pinasok ako as bene sa philhealth ni hubby, sabi ni ate sa philhealth di ko na daw pwede gamitin philhealth ko muna, if ever na reactivate ko, dalhin ko daw printed copy ng philhealth ni hubby pra mapakita na bene niya ako kasi bka daw singilin ako mas mlaki.

Magbasa pa
VIP Member

Same case po samin mamsh, husband mo pachange na siya ng maritas status yes po padeactivate mo po account mo para under dependent ka considered as wala ka nang kakayanan magbayad. Kasi kung huhulugan mo ang philhealth mo same lang din ang makukuha mo na benefit kaya paunder ka nalang sa asawa mo, if 30k makukuha mong benefit sa mismong philhealth mo same amount lang din kapag under kana ng asawa mo, ganun kasi ang sabi samin nung nagpunta kami sa philhealth paunder beneficiary ka na lang para hindi kana magbayad pa.

Magbasa pa

kailangan ko pa ba munang mag pachange status muna ako bago ko ipadeactivate para maging dependent ako ng asawa ko or kahit hndi ko na po ipachange status kase e dedeactivate na mana dn. bsta ipakita ko lang po marriage certf. pwede po un? mailalagay na po ba ako as dependent ni hubby?

natanong ko na rin yan sa philhealth. kung gusto mong Philhealth ng asawa mo ang gamitin mo at kasal kayo need mo ipadeactivate yung philhealth mo tapos pwede na ipa update yung Philhealth ng asawa mo at gamitin mo.

pachange status lang nya dalhin yung marriage cert (kahit yung sa civil registry muna dahil wala pang psa kung kakakasal nyo lang) kung meron na kasi yun ang need para machange status at gawin kang dependent nya.

Ganyan ginawa ko miii. Ako na dependent ng asawa ko. Iupdate ang mDr. Madali lang naman wala pang 15mins kmi sa philhealth.

Yes mi, deactivate mo ung sayo. Kasi di ka pwedeng gawing dependent ni hubby mo kung member ka din ng philhealth.

VIP Member

Oo mii.. ganyan saken, pinadeactivate ko yung philhealth ko then nilagay nya ako as dependent.

mii patingin ng philhealth mo. mdr. baka kasi indigent sa status mo.

Related Articles