Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Momsy of 3 playful prince and daughters
3cm biglang naging 1 cm nalang
Meron ba nakaranas ng ganitong case? 40 weeks na ko ngayong araw. Galing ako sa emergency kahapon para magpa ie. Sabi 1cm daw ako pero nung sabado sa check up ko 3cm ako.
Dark brown discharge at 39 weeks 6 days
Hello. Ano po ibig sabihin ng dark brown discherge? Nagsimula ito nung 39 weeks and 2 days na akong buntis. Bukas 40 weeks ko na bukas pero hanggang ngayon meron parin akong dark brown discharge. May sakit din sa ilalim ng puson ko, isang minuto lang sya sasakit tapos mawawala sya ng minsan 10-20 minutes. Ano na kaya ito? Malapit na kaya ako manganak kaya ganito? Nung saturday check up ko at na IE ako 3cm na daw. Since mag umpisa ako ng 39 weeks nakakaramdam na ko ng pananakit ng tyan o paninigas. Pa help naman po please. EDD SEPTEMBER 19,2023
Transvaginal IOTA
Meron na ba dito nakapag TVS: IOTA? Magkano ginastos nyo at saan kayo nagpagawa? SJDM BULACAN Location ko
Magtatanong lang po ako.
Hindi ako first time mom. Pero kasi nakalimutan ko na kung naramdaman ko na ito sa nauna kong tatlong anak, turning 6years old yung pangatlo ko. Pag humihiga ako ng left side ng medyo matagal tapos titihaya ako kapag hinahawakan ko yung puson ko may umbok na matigas sa left side lang ng puson. Kapag tatayo ako para mag wiwi mawawala din naman sya. 8 weeks and 1 day pregnant daw ako base sa bilang ng midwife sa center namin. Dati naranasan ko ito nuong nag expect akong buntis ako dahil 1 week akong na delay tapos nung nagpa ultrasound ako nuon ay walang nakitang bata sa loob. Pinayuhan ako magpa pelvic ultrasound pero hindi ko pa sya balak gawin ngayon, balak ko sya ipagawa sa feb 23 kasi sa feb 24 pa ang check up ko ulit sa center. Baby ba yung naumbok na matigas sa left side puson? Meron bang nakaranas ng ganito bukod sa akin?
Positive po ang pt.
Nag post ako kahapon ng tanghali tungkol sa masakit na balakang at takot mag pt dahil baka negative ang result. Nilakasan ko loob ko at eto resulta. Yung asa taas kahapon ng hapon, tapos yung sa baba ngayon lang 4am kasi sabi nila mas accurate ang unang ihi sa umaga kaya nag try ulit ako. Thanks papa God! After 5 years biniyayaan mo ulit kami ❤
Medyo masakit balakang. 8 days delay ang regla
Masaki na boobs at balakang. Eto nararamdaman ko nung isang linggong alam kong dadating na regla ko pero na delay ako ng 8 days, dapat January 12 ang dating ng regla ko. Hanggang ngayon eto nararamdaman ko. Di na ko makakilos ng maayos dahil sa balakang ko. Di pa ko nag pt kasi natatakot akong makakita ng negative ang resulta