Hello mommies. Mag 9months na po si baby this month and napansin ko lang po kumonti yung wiwi nya. Usually kasi di naman talaga napupuno yung diaper nya kasi morning 8am new diaper, 10am bath time may wiwi or wala palit diaper and after lunch karaniwan nag poop na sya so palit diaper na ulit ang next na palit na nya nyan is before bedtime 8pm. Pero ngayon po kasi napansin ko lang kasi 4 or 5 days na po yung hiling poop nya kaya napansin ko din yung sa wiwi. Ngayon po kasi pag gising halos walang mark ng wiwi yung diaper, so change ko sya then pag bath time ganun ulit walang wiwi, napapalitan ko na lang sya ng diaper pag bedtime na. Should I worry na po ba?
Breastfeed baby po sya, nag sosolids na din morning lunch and dinner, water intake nya around 4-5oz per day.